Kabanata 4
Agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Business partners daw pero bakit?
"Business partners, Emilliana?" Tumango siya saka nilapat ang bibig sa staw ng kanyang milktea at uminom saglit.
Ganon din ang ginawa ko. Napakasarap talaga ng vanilla flavor na ito. Minsan na akong nakatikim nito sa Maynila ngunit mas masarap ang kanilang bersyon dito. Parang gusto ko pa ulit kumain ng vanilla pero hindi milktea, pwedeng cake o kaya naman ay ice cream.
"Yes, business partners. We can team up you know mas maganda iyon sa negosyo yung may katulong ka." Kapag talaga nagtatagalog ang babaeng ito ay nagugulat ako.
Hindi pa rin ako makapaniwala na marunong ito magtagalog. Heto nga at nasasaksihan ko na naman mismo sa harap ko. Wala akong naging ka close na foreigner kahit si Fiona na katrabaho ko noon ay hindi kami close pero masasabi mo naman na maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa.
"Pero nabili mo na ang lupa, Emilliana. Sa'yo iyon."
"Yes it's mine but the business that we will establish there is ours." Hinawi niya ang kanyang kulay gintong kulot na buhok na hanggang bewang.
"P-Pero--"
"No buts Macey, we're now friends and also business partners." Huminga ako ng malalim. She's persistent too. Kung ano ang gusto nito ay dapat na masunod. Hindi sa ayaw ko ang gusto niya pero duda pa rin ako sa kakayahan ko.
Habang nakatitig ako sa kanya ay pawang mas marami itong karanasan sa'kin pagdating sa negosyo.
"Sige, oo na," pahayag ko. Lumapad ang ngiti niya sa labi dahil sa sinabi ko.
Nangangati yata ang bunbunan kp dahil sa pinasok kong to. "Pero kasi Emilliana, wala akong sapat na karanasan sa pagpapatakbo ng negosyo saka graduate lang ako ng senior high. I don't even know if I can really handle a business well."
Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa mesa, " It's okay, we will undergo training and seminars. Then I'll ask help from my cousins. Maraming alam ang mga iyon sa negosyo."
"Pero dagdag gastos kapag nag-training at seminar tayo," mahinang pahayag ko.
"Uh, don't worry may libreng seminar on my brother's working place."
Nanlaki ang mata ko, "Really?"
Ilang ulit tumango si Emilliana habang malapad na nakangiti. Mukhang hindi na yata ako malas sa araw na ito, mukhang sinuswerte na ako. Nakakatuwa.
"Gusto ko pa ng vanilla," nguso ko nang maubos ko na ang aking milktea.
"Oh, favorite mo ang vanilla?" tanong niya.
Sa pagkakaalala ko hindi ko nama masyadong favorite yung vanilla because I prefer chocolate but masarap naman ang vanilla, and it makes me salivate more.
"Not so pero masarap kasi," ngiti ko.
Nanunubig talaga ang bagang ko sa vanilla. How I miss to eat sweets. Sobrang tutok kasi ako sa trabaho simula nang tumuntong amo dito kaya hindi ko na napagbibigyan ng pansin ang mga gusto ko gaya na lang ng pagkain ng matatamis. I am even wondering kung may mga mangga sila dito pero mukhang wala yata doon kasi sa probinsya namin marami doon.
"Okay, Ill order another one for you." Tumayo si Emilliana saka nagtungo sa counter.
Pinaglaruan ko saglit ang straw habang nililibot ang tingin sa paligid. Maaliwas ang ambiance dito, saka makikita mo talaga na malapit sa kalikasan ang milktea cafe nito dahil sa theme nila. Magkahalong kulay green at puti ang kulay sa paligid. Marami ring pasok ng mga halaman sa bawat kanto at may roon silang maliit na garden sa labas.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
AcakDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...