Kabanata 27

9 2 8
                                    

A/N: Medyo na late kasi na late din paghingi ng load HAHAHA! Enjoy!

Kabanata 27

NAYAKAP ko ang sarili dahil sa lamig, walang katao-tao ang hallway. Sa tuwing naaalala ko ang pagtingin niya ay mas naninindig ang balahibo ko. Intensyon kong bilisan ang galaw para makaiwas na makasalubong siya.

Hindi talaga ako komportable sa klasse ng mga tingin ni Hades. Para niyang hinahalukay ang kaloob-looban ko. Na parang nababasa niya bawat laman ng isip ko, basta hindi ko iyon gusto.

Nagmamadali ang aking mga hakbang  pagbaba sa hagdan. Patungo ako sa kusina para kumuha ng meryenda at magpapakulo ako ng tubig para panligo kay Bleu.

Alas sais pa lamang ng umaga, sinigurado ko talaga na ganitong oras ang paglabas ko dahil alam kong kadalasan ay tulog pa sa ganitong oras ang mga Montefrancia. Sana nga lang ay hindi ko siya makita.

Napatigil ako sa paghakbang nang bumungad sa akin ang lalaking nakaupo sa maliit na mesa sa bungad ng kusina habang nagkakape. Kanina lamang ay hinihiling ko na huwag siya makasalubong ngunit kamalasan nga naman.

Naramdaman yata nito ang presensya ko kaya napatingin ito sa akin. Madiin kong pinaglapag ang aking labi, ni hindi ko na napansin na ang kamay ko'y nakadapo na pala sa leeg ko.  Hindi na masyadong mapula gaya noong unang araw ang marka ngunit kita pa rin ito.

"A-Anong---" Tinaas nito ang hawak na mug.

"Coffee, isn't  it obvious to you?" may sarkasmong ismid nito.

Tumikhim na lang ako. Nagdadalawang isip pa ako kung ibababa ko ang kamay na nasa leeg o hindi.

"What's wrong with your neck?" titig nito.

Nag iwas ako ng tingin saka naglakad patungo sa ref habang ang kamay ay nasa leeg pa rin. Ang titig nito'y hindi pa rin nawawala sa akin.

"Wala ka na don," pagsusungit ko.

Nahirapan ako sa pagbukas ng ref dahil sa iisang kamay lang ang meron ako. Ayaw ko nang alisin ang kamay na nasa leeg ko dahil alam kong alam niya na may marka doon. Ayaw kong magdiwang siya kahit halatang natutuwa na ito sa nakikita.

"You still smell good." Namilog ang mga mata ko habang naninigas at nanlamig ang katawan ko.

Kakasara ko lamang ng ref at ngayon ay nakakulong ako sa mga bisig niya. Ang mainit nitong hininga ay lumalapat sa balat ng aking leeg. Nanlalamig at naninindig na naman ang mga balahibo ko sa katawan. Masyado siyang malapit.

"A-Alis!" pilit kong hindi mautal. Hindi ko man kita ang mukha niya ngunit alam kong may ngisi ito sa labi.

"Get your hand off, I wanna see my mark," mainit na bulong nito.

Walang ampat ang pag-iling ko habang nakahawak pa rin ang kamay sa leeg. Ayaw kong alisin ito, hindi ako natutuwang makita siyang nasisiyahan sa ginagawa niya sa akin.

"Ayaw ko," matigas na giit ko.

"Then I'll make my move," pilit niyang nilayo ang kamay na nasa leeg ko.

Malakas ito kaya mabilis nitong nailayo ang kamay ko. Hindi ko rin ito magalaw dahil sa hawak pa rin niya ito.

"Bitawan mo ako, Hades!" naiinis na utos ko.

Hawak ko sa isang kamay ang bote ng gatas, ayaw kong mabitawan ito o pwede naman sigurong ihampas ko sa kanya. Mas mabuti iyon.

"The mark is still visible," umikot ang mga mata ko, halatang halata naman.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon