A/N: Hello! Its nice to update again, hehe. Lagpas 1 week yata akong di nakapag update. Thank you for waiting for the updates. So happy malapit na tayo sa gitna ng story. Hope you enjoy. Happy reading! Stay safe everyone.
Kabanata 16
Nagkalat ang mga blue balloons sa paligid dahil sa kagagawan ni Emilliana. Busy siya ngayon sa pagluluto ng handa para sa aming selebrasyon. Nakangiti akong napabaling sa kama ko.
My little baby boy is sleeping peacefully. Suot nito ang blue na baby suit na binili namin at ang mga kamay ay may puting gloves. Ngayong araw ay magce-celebrate kami ng kanyang first month. Yes, isang buwan na ang si Bleu. Super thankful ako dahil iningatan siya ng panginoon para sa akin.
Sariwa pa sa alala ko kung paano ako nagpanic matapos magising at makabawi ng lakas. I thought napahamak na siya pero nakahinga ako nang maluwag matapos ipaliwanag sa akin ang nangyari.
Nagkaroon ng emergency at may sinugod na dalawang buntis na babae sa ospital. Dinudugo sila at kailangan nang ipasok sa DR pero naroon ako kaya dinala sila sa isang pribadong room para doon mapaanak.
Ang isa sa kanila ay cliyente ni Dra. Nikaye kaya nabahala siya. Sadly, ang dalawang baby ay namatay habang niluluwal ang mga ito, stillborn iyon ang tawag nila.
Nang malaman ko iyon ay sobrang nasaktan ako at nagpapasalamat sa Diyos. Nakakalungkot lang dahil inalagaan ng dalawang babae ang kanilang anak pero binawi naman ito agad kahit hindi pa nasisilayan ang mundo.
Naputol ang pag iisip ko dahil sa matinis na iyak ni Bleu. Agad ko siyang nilapitan at kinuha sa kama.
"Ay gising na si baby," nakangiti ko siyang binuhat sa bisig ko.
Sobrang lambot niya at mabango. Baby na baby talaga. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya ay mabilis na tumitibok ang puso ko dahil sa kasayahan. Ang moreno nitong kutis lamang ang namana niya sa akin. Habang ang matangos niyang ilong, makurbang labi at asul na mata ay namana sa ama niya.
Sa tuwing nakikita ko ang ngiti nito'y naaalala ko si Dr. Alexis ang pinsan ni Emilliana. Hindi ko lang alam ang dahipan o baka nag iilusyon lang ako.
"The blue ball of happiness is awake!" humarap ako kay Emilliana.
Simpleng shirt lang ang suot nito at pants ngayon. May suot siyang apron at hawak sa kamay na sandok. Naglakad ako papalapit sa mesa ng hapag.
"Naamoy niya daw kasi yung niluluto ni ninang," biro ko.
Tumawa naman si Emilliana at binalik na ang atensyon sa kanyang niluluto.
Habang nagluluto si Emilliana ay nag breastfeed muna ako kay Bleu dahil mukhang gutom na naman ito. Hindi naman siya masyadong umiiyak siguro kapag gutom lang at may dinaramdam. Tahimik na bata lang siya at mahilig matulog.
Nagvibrate ang cellphone ni Emilliana na nasa table kaya kinuha ko iyon. Tinignan ko ang nagmessage doon.
"Nasa labas na daw si Kuya Joe," imporma ko.
Napatigil naman si Emilliana at napaharap sa akin.
"Ako na ba ang magbubukas?" nagdadalawang isip na tanong niya.
Umiling ako. "Ouch!" nagulat ako dahil sa panggigigil ni Bleu sa susu ko.
Tumawa naman si Emilliana dahil doon. Nilayo ko na siya sa dibdib ko saka ko binaba ang bra na suot at t-shirt.
"Luto ka na diyan, ako na magbubukas."
Inayos ko ang pagkakabuhat kay Bleu at tinungo na ang pinto. Tanging kaming tatlo lang ang magce-celebrate dito sa apartment. Nakakahiya nga dahil nasa kanilang dalawa ang lahat ng gastos.
BINABASA MO ANG
BEGONE (On-Going)
RandomDate Started: March 30,2020- Macey went to abroad with one goal it is to help her family in their financial problems. She worked hard in New York but she was out of luck. The available jobs she can apply are limited, and she was fired many times in...