Kabanata 11

9 3 0
                                    

"Always Be Humble."


Kabanata 11

Nakaupo kami ngayon sa maliit kong kama, nakahilig ang likod ko sa uluhan ng kama ko habang si Emilliana ay nakaupo sa harap ko. Pinagkrus niya ang kanyang mga paa habang sa hita niya ay nakalagay ang iilang piraso ng cordon bleu na natira.

"Are you sure that you will tell me?" pag aalangan na tanong niya.

Huminga ako ng malalim saka pinaglapat ang mga labi. Matagal ko na rin naman na plano na sabihin kay Emilliana ang nangyari sa akin sadyang nag iipon lang talaga ako ng lakas ng loob.

"Oo naman," titig ko sa mga mata niya. Ngayon ko lang na pansin na parang hawig sa asul ang kanyang mga mata.

"Asul ba ang kulay ng mga mata mo?" nagtatakang tanong ko. Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya bago ito tumango.

Ilang beses pa niya kinurap ang mga mata, "Yes, not that really bluish kagaya ng mga pinsan ko but yes, why?"

Agad akong umiling,"B-Blue rin ang mga mata niya." Bumaba ang tingin ko sa tyan ko saka ito marahang hinaplos.

"T-The guy?" tumango ako bilang tugon.

"Iyon lang ang malinaw kong naalala sa kanya, hindi ko na masyadong naalala ang mukha niya pero siguro kapag nakita ko siya for sure makikilala ko iyon," paliwanag ko.

"Hindi ko maalala kung anong araw ko siya nakita pero sa palagay ko noong buwan iyon ng Disyembre." May tama ako ng alak nang mga araw na iyon kaya ang ibang detalye ay hindi ko maalala.

"Hindi ko akalain na may buhay na pala na nagsisimulang umusbong sa sinapupunan ko noong una pa lamang tayo nagkita," hayag ko.

Ngumiti naman si Emilliana, "Yeah."

Hindi ko pansin pero matagal na rin pala simula noong napunta ako dito. It was the eighteenth day of october year twenty-ninetine when I take my first step on New York, heto nga at Abril na ng taong twenty-twenty. Sa ika'tlo kong buwan ay nagpatalo ako sa pagiging desperada ko at sa gabi ng disyembre na iyon ay isinuko ko ang katawan ko para lamang magkaroon ng perang maipagamot sa itay ko.

"Diba nasabi ko na sa'yo na naging waitress ako ng isang bar," sinalubong ko ang tingin ni Emilliana.

Nakahawak pa rin ang magkabila kong kamay sa 'di lalakihang umbok sa tyan ko. Marahan ko itong hinaplos na tila ba ito lamang ang nagpapakalma sa akin.

"Isang gabi pumalpak ako sa trabaho ko, may natapunan ako ng alak na customer at may nabasag pa na mamahaling alak. Nagalit ang manager dahil sa totoo lang marami talaga akong atraso at pagkakamali na nagawa."

Inalala ko ang mga detalyeng iyon, kung saan nasampal ako ng manager ng ilang beses dahil sa nagawa ko. Hindi ko naman sinasadya ang mga iyon kasi medyo lasing na talaga ako non.

"Pinilit kasi ako ng ilang customer na uminom ng iisang shot ng alak kaya sumunod ako para lang mabigyan ng malaking tip. Kailangan ko kasi talaga ng pera noong oras na iyon." Nakatitig lang si Emilliana sa'kin, nag baba muli ako ng tingin dahil sa hiya.

"Desperado ako kasi kailangan ko ng malaking pera para may ipanggastos sina Inay at Itay sa Pilipinas lalo na at inatake sa puso si Itay at nalamang may komplikasyon ito sa baga," pagpapatuloy ko sa pag kwento.

"Did you somehow regret the decision you choose?" natigilan ako sa tanong niya.

Mataman na nakatitig sa akin si Emilliana at tila ino-obserbahan ang bawat reaksyon ko. Nakagat ko ang aking sariling labi at nag iwas ng tingin. Pinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib.

BEGONE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon