KABANATA 16
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago umalis sa bintana mula sa aking kwarto.
It's already two in the afternoon. Malakas ang hangin sa labas at tanaw na tanaw ko kung paano magsayawan ang mga puno ng mangga di kalayuan. Huni ng mga ibon ang bumabasag sa katahimikan.
Tahimik ang bahay lalo na at wala sila Mom and Dad kasama si Kuya papunta sa kabilang bayan. Bumili sila ng mga gagamitin para sa fiesta dito sa susunod na linggo. Maybe clothes to wear?
Lola taking her nap today. Beside she need it.
My two evil sisters gift from hell are nowhere to be found or should I say..they're hanging out again on their rooms.
Wala naman silang mapupuntahan na iba dito. Buti na lang may internet connection kaya hindi kami masyadong nabobored.
'Till now I don't know where he is. O, baka sumama na sa liwanag ang multong yun.
Argh.. Bakit ba iniisip ko pa siya. At eto nga hindi man lang niya naisipan mag-paramdam.
Inisang sulyap ko pa ang tanawin sa labas bago humiga sa kama. Wala naman akong ginagawa pero tila hinihila ako ng antok.
Totoo pala na pag-walang ginagawa mas lalong napapagod.
"Wala na bang thrill ang bakasyon ko? Ito na yun?" Binitawan kong salita bago hilain ng antok.
"Pagkatapos ninyo kumain maaari ba na tulungan niyo ako na linisin ang mga kalat sa likod?"
Napaangat ang tingin ko kay Lola habang nagmemeryenda.
"Oo naman po La," Sabi ko.
Tipid na ngumiti si Lola sa akin. "Maraming salamat apo ko."
Ngumiti din ako at napatingin sa dalawa kong demon evil sisters gift from hell. They have this stare towards me 'sipsip'.
Inirapan ko lang sila at agad na kumain.
Nasa dining area kami ngayon at naghahapunan. Mom is on their room nagpapahinga. While Kuya reconnecting about his study.
"How about you Lucida and Frida? Help your Lola," Biglang singit ni Dad.
Umiling silang dalawa. Hays mga tamad talaga. Mas gugustuhin pang maburo sa loob ng kwarto kesa gawing productive ang araw nila.
"Nah, Dad. Tiara can do it. Right sis?" Tumingin si Ate Lucida kay Ate Frida.
"Yeah.." Walang ganang tugon nito at sumubo ulit ng turon.
Napaangat ang tingin ko ng tumayo si Ate Lucida."I'm done Dad, La." Pagkatapos ay hnawakan si Ate Frida sa braso at hinila paalis.
Nagpaalam na din si Dad para puntahan si Mom.
Napailing na lang ako.
"Tiara apo ko, kain ka pa." Tinulak sa akin ni Lola ang isang plato na marami pang turon.
Ngumiwi naman ako at napatingin kay Lola, maamo at malambing siya kung tumingin sa akin.
"La, hindi kaya sumabog tiyan ko nito? E, nakasampong turon na po ako." Tumawa din ako pero nauwi talaga sa ngiwi.
"Hindi naman apo." Umiling pa si Lola.
What? Unbelievable.
Naibaba ko ang turon na hawak ko at napadighay ng wala sa oras. "Oppss." Tsaka nagpeace sign ako sa kaniya. "See, La?
Agad na tumayo naman si Lola at inabutan ako ng tubig. "Oh hayan uminom ka ng bumaba na ang mga nakain mo. Damihan mo uminom apo."
Tumango ako at inabot ang baso ng tubig. Napakabait talaga sa akin ni Lola. Sayang lang at wala ang dalawa kong demon evil sisters gift from hell para mamatay sa inggit.
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...