KABANATA 5
Pagka-gising ko sa umaga ubod ng sakit ng ulo ko. Feeling ko bumagsak into sa matigas na bagay. At tandang-tanda ko pa ang nangyari kagabi! Letseng lalaki na yuon! Asan ba yun? Akala ko ba nanggaling siya sa sinauna? Oh ano? Gala-gala lang?
At saka pano siya napunta dito kung ganun? Ano yun time visit lang? Nakakaloko rin siya eh.
Naka-upo na ako ngayon sa Dining Area habang nag-aantay ng makaka-kain, si Lola ang nag-luluto. Na-late na ako ng gising mga 9am na ako nagising. Dahil sa nangyari kagabi.
Umalis sila Mom at Dad para i-check nila ang bagong hospital na pag-checheck-up-an ni Mommy.
At yung demon evils sisters gift from hell hindi ko alam kung saang lupalop nag-lakwatsa.
Baka naman bumisita sila sa inpyerno? 'Wag na sanang bumalik. Tss..
Hindi pa ako nakaka-ganti sa kanilang ginawa sa akin! I need to payback them! Unexpected and unforgettable plan.
May nabuo na akong ka-demonyuhan na plano sa aking isip at yuon ay mabubuo lang kapag nag-pakita ulit sa kin si Ghoster. Yung sinaunang lalaki, magpaparamdam tapos biglang maglalaho!
Aba akala niya nakalimutan kong nag-laho siya kagabi!
Hello my two beautiful and clear eyes not mistaken. At naalala ko pa kung paano ako... ugh... himitayin kagabi, ayy mali kanina palang madaling araw.
Patunayan niya na talagang galing siya sa sinaunang panahon pero bakit naglalaho siya? Hindi kaya multo siya? At nagmu-multo? Or he has an unfinished business here kaya hindi pa maka-move on ang kanyang kaluluwa?
At ano naman iyon? Let's find out. Hmmmm.. What if I can help him? Para makatawid na siya.
Pero kailan pa ako nagka-third eye? Aber?
Napabalik ako sa huwisyo ng makita ko si Lola sa harapan ko na hinahanda na ang aking makaka-kain.
Nakakahiya Kay Lola alam ko, pero kasi siya na ang nag-prisinta ehh makulit pa naman si Lola.
Naubos na kasi ang umagahan kanina siguro hindi ako tiniran ng dalawa kong demon evil sisters gift from hell.
"Oh apo kumain kana.." sabi ni lola.
Kinuha ko naman ang kutsara at kumuha ng hotdog tsaka bacon then rice.
"Maganda naman ba ang tulog mo apo? At talagang tinanghali ka ahh." sabi ni Lola at natawa siya.
Napamaang ako. Wow Lola kung alam mo talaga hindi ka maniniwala! Maganda nga magandang bangungot!
"Ahh... Opo Lola kaya nga po na-sobrahan ehh." tsaka peke akong tumawa.
"Sige apo maiwan na kita diyaan at may aayusin lang akong mga halaman sa likod.." sabi ni Lola.
Tumango naman ako " Sige po lola... Kung may ipapa-utos po kayo tawagin niyo lang po ako." Sabay ngiti.
Tumango si Lola at umalis na.
Napatingin ako sa wrist watch ko mag-aalas-diyes na. Ano bayan! Kung nagising sana ako edi sana nasabi ko Kay Dad na nasira ang cellphone ko and I need new one to contact my profs. on Manila!I'm sure that Dad will get mad if I say to him that my phone can't reusable anymore. It's expensive!
Wala pa naman kaming pera ngayon! Okay lang sa akin kahit mumurahin basta't matibay at magandang gamitin. Kailangan ko lang kasi talaga.
I need to know what's going on my transfer papers para makapag-enroll na ako at mag-take ng entrance exam ng mas maaga.
Pagka-tapos kong kumain didiretso na sana ako sa kwarto ko ng maka-salubong ko si Ate Friday.
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...