Kabanata 2

18 5 5
                                    

KABANATA 2

Pumasok na ako sa loob ng mansiyon at agad kong nilinga ang paligid. Puro mga makalumang gamit ang nandito siguro mga antigo na ito pag-kinuha ko kaya ito at ibinenta siguro magiging milyonaryo ako nito.

Ngayon lang kami nakapunta ditong magkakapatid dahil si Lola ang madalas bumisita sa amin noon kaya bago sa aking paningin ang mga nandito.

Inilibot ko ang aking paningin sa harap at nakita ko ang isang engrandeng hagdan na nasa gitna ng sala at sa likod nun ay may dalawang pinto marahil yung sa kanan ay papuntang kusina at ang isa ewan.. ang hagdan ay may katandaan na ito ay gawa sa kahoy ng narra at halatang matibay ito sa estilo pa lang ng pagkakagawa.

Lumakad ako ng konti at natanaw ko ang sofa na mala-brown ang kulay na pumapantay sa kulay ng mansiyon na wooden at Spanish designs,  panahon siguro ito ng mga kastila naitatag.

So kung ganun mayaman kami nung panahon pa ng mga kastila? Wow just wow...

Sa nakapalibot na sofa ay nasa gitna ang glass coffee table na may flower vase at mga bulaklak na pang-karaniwang.

Sa kanan ay may lamesa na nakalagay na mga pictures, pinuntahan ko iyon. Puro pictures ni Daddy at ng kanyang family ito andoon si Lola at Lolo pati siya. Nag-iisang anak lang si Daddy nila Lola at Lola kaya sa kanya lahat mapupunta ito.

Hinawakan ko ang pictures ni Daddy nung bata siya naka-jumper siya at sa loob ay may T-shirt na stripes may kulay na ang pictures na ito, nakasimangot si daddy habang kinukihanan at dahil dun natawa ako. Nilapag ko na ang pictures at tumingin sa bandang kaliwa.

Nilakad ko ng kaonti sa parteng hindi na masyado makikita ng mga tao sa bandang likod ng sofa  at sa dingding nun ay may litrato ng isang pamilya.

Nakaupo ang dalawang tao babae at lalaki habang may tatlong nakatayo sa kanilang likod isang babae sa gitna at sa pagitan ay dalawang lalaki kung babasehan mo ang itsura nila ay may mga lahi silang espanyol mga magaganda at gwapo.

Mga ilang taon na kaya ito? Pinag-landas ko ang aking kamay sa litrato... siguro ang dalawang nasa gitna ay ang kanilang mga magulang at ang tatlo ay mga anak.

Titinggnan ko ang itsura ng matandang lalaki may katandaan man ay halata sa postura nito na makisig siya at ang isang matanadang babae ay bakas ang kagandahan sa kanya lalo na siguro nung kanyang kabataan.

Titinggnan ko naman ang nasa gitnang babae at kamukhang-kamukha ito ng isang matandang babae parang kabataan version siya nung matandang babae napalingon naman ako sa kaliwang banda nandoon nakatindig ang isang lalaki na gwapo!

Ha! Siguro kung buhay pa ito ay pwede ng mag-artista at titilian talaga ng bayan!

Napalingon naman ako sa kanan banda at nakita ko ang isang seryosong lalaki na nakatingin sa camera tinitigan ko ito matangos na ilong, matangakad at matikas na katawan kamukha siya nung isang lalaki ngunit mas bata siya at mana din sa isang matandang lalaki.

Tinitigan kong mabuti ang itsura nito at para akong nahihipnotismo pinaglandas ko ang aking mga kamay sa kanyang mukha at biglang kumirot ang aking ulo. Napahawak ako dito at napasapo sa noo ko pinikit ko ang aking mata at napaatras. Iminulat ko ang aking mga mata at pag-bukas nito ay nasa tabi ko na si Lola! Nakatingin din siya sa litrato.

"Sila ang pamilya De Arkanghel, sila ang namuno dito noong panahon ng mga espanyol at hapon bagaman may lahi silang espanyol dahil sa kanilang sunod-sunod na henerasyon.
Kaya ang pangalan ng lugar na ito ay De Arkanghel, ang kanilang pinagkakakitaan ay ang mga mangga na inaangkat mula sa ibang lugar." kwento ni Lola at biglang siyang tumingin sa akin.

Napatingin din ako sa litrato at halata nga ang katandaan nito mga 18's o 19's.

Napabaling ako kay Lola "Eh bakit po nandito yan?" sabay turo sa litrato.

3H of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon