KABANATA 6
"Kamusta naman ang clinic na pinuntahan ninyo, anak?" tanong ni Lola kay Daddy habang nandito kami sa lamesa kumakain.
Hapon na ng maka-dating sila Mommy at Daddy namili pa pala sila ng mga groceries sa bayan dahil paubos na ang stock, eh wala pa namang tindahan na malapit dito.
Andito kami ngayon sa dining area, nagdi-dinner. Habang nag-uusap sila Mom, Dad at Lola. At kami naman ng tatlo yung dalawang demon evil sisters gift from hell tahimik lang.
"It's okay Ma, I think the clinic can provide what we need for." sabi ni Dad habang sumusubo.
"Kung ganoon mabuti naman, at sana mabilis na maka-recover si Florence." sabay ngiti ni Lola.
Tumingin naman sa aming tatlo si Lola "Oh kayo mga apo, nakapag-libot naba kayo dito sa atin?" tanong niya.Nagka-tinginan ang dalawa kong demon evil sisters gift from hell.
Napatikhim naman si Ate Frida "Hmm... hindi pa Lola we're just taking our luggage pa kasi and after nun we take rest 'cause we're tired yesterday so..." si Ate Frida habang dinudotdot ang pagkain at nagkibit-balikat "...maybe tomorrow we're tour around here." and she just gave a small smile.
"Yes, Lola maybe tomorrow na lang." si Ate Lucida.
Tumingin naman sa akin si Lola at ngumiti, napamaang naman ako, bakit ba lagi na lang ako ngini-ngitian ni Lola it's not like I don't want but it gives me chills and I find it creepy.
Ngumiti naman ako pabalik pero nakaka-siguro akong ngiwi ang kinalabasan niyon.
"Ikaw ba'y Tiara, apo nag-libot kana ba?"
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Hindi pa Lola, like ate Frida said nag-aayos pa ako o kami ng mga gamit namin, maybe tomorrow na lang po."
"Ah ganun ba oh sige mukhang mga napagod nga ata kayo sa biyahe kaya kailangan niyo ng lakas. Sige bukas na lang kayo mag-libot ng alam niyo na ang pasikot-sikot dito sa mansiyon. Sasamahan ko kayo."
"Lola I can take care myself ako na lang po mag-isa, kaya ko po at isa pa mas maganda kung ako lang para walang maingay." sagot ko.
"Kaya mo naman ba apo?" paninigurado ni Lola.
Tumango ako "Yes, La."
Tumango si Lola at kumain na ulit ang dalawa ko namang kapatid ay tahimik lang.
What's wrong with them?
Siguro may nga ginawa tong kalokohan.
Natapos na ang dinner at ako na ang nag-prisenta na mag-huhugas ng mga pinagkainan.
Ang dalawa kong demon evil sisters gift from hell dumiretso na sa kanilang kwarto. Sila Dad and Mom nasa kwarto na din ata nila.Kailangan ko maka-usap si Dad, kasi kailangan ko ng bagong phone. Paniguradong mang-uusisa si Dad kung ano nangyari sa phone ko eh hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Dad ano kasi sinira ng taong nanggaling sa sinaunang panahon, ayun na-shock noong tumunog, ayun! Binabalibag at tinadyakan' Edi baka masabihan pa akong nababaliw at baka hindi pa ako ibili ng new phone.
"Apo."
Nagulat ako sa biglaang nag-salita sa gilid ko napahawak pa ako sa dibdib ko. Sa sobrang occupy ko andoon na pala si Lola sa gilid ko.
"Lola naman, nakakagulat kayo, akala ko kung sino na."
Napa-hagikgik si Lola. "Masyado kasing naka-tuon ang pansin mo diyaan, oh... may malalim kang iniisip apo?"
"Ahh..wala naman po Lola. Hindi ko lang kayo napansin diyan." sabay tawa para hindi maging awkward.
Napatango si Lola "Sigurado kaba apo na ayos lang sayo mag-libot sa mansiyon na mag-isa? Baka maligaw ka."
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...