KABANATA 8
"Asan ba kasi yun?" Luminga-linga na ako sa mga bookshelf pero hindi ko parin makita ang pinapahanap ni Lola na Recipe book, magluluto daw kasi siya ng kaldereta gusto niya daw kasi ay hindi siya magkamali sa mga steps nun.
Pero kagabi nga lang ang ulam namin ay afritada, eh halos magka-lasa lang naman yun parehas so what's the matter?
Actually hindi ko parin talaga alam ang pagkakaiba-iba ng mga ulam nayan kaldereta, afritada, menudo tsaka meron pa. Ansakit nila sa tiyan!
Napakamot ako sa ulo ng makarating na ako sa dulong banda ng library pumunta ako sa pagitan ng dalawang bookshelfs at nilinga-linga isa-isa.
"Sabi ni Lola kulay green daw iyon tapos sulat kamay lang." tininggnan ko ang bandang kaliwa ko at pinaglandas ang aking daliri sa bawat dinadaanan ko na mga libro habang binabasa ng mabilisian ang nakasulat sa gilid nito.
Napahinto ako ng makita ko sa gilid ay may nakasulat na 'Alonzo' naiiba ito sa mga nakalagay na libro doon. Kinuha ko ang libro at woahla! Ayun na! Nakalagay doon ay 'Receipè'.
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap at ngayon ka lang nagpakita? Ha? Nagkandahilo-hilo pa ako kakahanap sayo e, hindi ka naman espesyal para hanapin ko!" singhal ko sa Recipè Book, alam kong para akong tanga dito na kinakausap ang isang walang buhay na gamit at mas mababaliw ako pag-sinagot ako nito.
"Baka magulat ka pag-sinagot ka ng hawak mo na iyan." isang pamilyar na tinig ang nag-salita mula sa aking likuran.
Nanigas ako sa aking kinakatayuan ng marinig ko ito, kilalang-kilala ko ang boses na iyon at kahit ngayon ko na lang ulit narinig ito pagkatapos ng isang araw ay parang namiss ko ito.
Ramdam ko ang kanyang pag-hinga na tumatama sa aking batok, naka-ponytail lang ako ngayon kaya talagang ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-hinga.
This feeling is familiar parang kailan lang nangyari ang ganitong pangyayari, siya sa likod ko at.. mariin akong napapikit at naramdaman kong may pumulupot sa aking beywang na mga braso at hinapit ako palapit sa kanya, bigla kong naimulat ang aking mga mata at napatingin sa kanyang braso sa na nakayakap sa akin.
Tumama ang aking likuran sa kanyang matigas na dibdib. Mainit na pakiramdam na naman ang aking naramdaman sa kanya.
Mas lalo akong nanigas sa aking kinakatayuan hindi ko alam ang aking gagawin nalilito ako at mas lalo lang akong nalilito dahil sa bilis na tibok ng aking puso.
Na-miss ko ang kanyang yakap at mas lalong na-miss ko siya kahit isang araw siyang hindi nag-pakita!
Wait, na-miss? No way!
Pagkatapos niyang hindi magpakita andito siya bigla-bigla at parang wala lang nangyari?
Inis na kumalas ako sa kanyang pagkakayakap at hinarap siya na may mga matalim na tingin. Nakataas lang ang kanyang kilay sa akin. Ha! Antipatiko parin.
"Bakit ka nandito?" tanong ko at tinaasan din siya ng kilay.
"Dahil dito ang lugar ko?" patanong niya ding sagot at luminga-linga din siya sa paligid.
Napaismid naman ako sa sagot niya, antipatiko parin talaga! "Wala kana bang alam na lugar at nandito ka na naman? Diba wala ka nga kahapon? Edi sana hindi kana lang bumalik, mangugulo ka na naman. Guguluhin mo na naman ang buhay ko ang aking isipan at–" napahinto ako ng mapagtanto kong kung ano-ano na ang sinasabi ko!
Denim!
Nanlalaki ang aking mga mata sa aking mga sinabi habang siya ay ngiting-ngiti sa sobrang ganda ng kanyang ngiti ay kita lahat ng ngipin niyang mapuputi at pantay-pantay. "Paumanhin kung ginugulo ko ang iyong buhay. at. isipan." ani niya na diniin pa ang tatlong huling salita.
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...