Kabanata 15

0 0 0
                                    

KABANATA 15

"You know what Ate Belinda? We are not inform that there's a school existing with an acronyms name UNDAS. Hindi naman ba namamatay mga marka nila?" At binuntutan ko ng malakas na tawa.

'Till now I can't forgot that university pangalan pa lang pamatay na as in patay talaga!

Napatawa at napailing-iling na lang din si Ate Belinda sa akin habang hawak niya ang walls na may mahabang kawayan na hawakan para hindi na siya yumuko.

I'm in the garden at the back of Lola's mansion. Binubungkal ko lang yung mga lupa dito para kasing naka-flat masyado baka hindi maka-hinga yung lupa.

"Alam mo naman kasi may nakaraan ang paaralan naiyan! Ikaw talagang bata ka, alamin mo muna yung history! At tiyak maiiyak ka!" sabi ni Ate Belinda.

May history yung school? Syempre lahat naman ng school may history.

Pero nakakaiyak yung past niya daw? Bakit?

Nagtatakang nilingon ko si Ate Belinda na patuloy parin nagwa-walis ng mga tuyong dahon.

Mag-aalas kwatro na ng hapon at malamig sa parteng garden ni Lola dahil ang kasunod na nito ay mga naglalakihang mga puno at damo kaya nahaharangan ang panghapong araw.

"Anong history, Ate?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

Pinadantay niya naman yung walks sa dingding ng garahe at umupo siya sa bench na kahoy malapit sa akin.

Tumayo ako at pumunta din sa kanya at pinagpag ang kamay ko na may mga kaunting lupa tsaka umupo sa tabi niya.

Pinasadahan ko ang damit ko kung marumi ba. Naka-suot lang ako ng red t-shirt at jogging pants na hindi galing sa school at naka-tsinelas.

Si Ate Belinda naman naka-bestida na mabulaklak at naka-bun ang kanyang buhok while my hair is in pony tail.

"Alam mo kasi ang sabi-sabi dito sa bayan na ang unibersidad nayan ay
may madilim na nakaraan." kwento niya. "Ang UNDAS ay tinatag pagka-tapos mamatay ng angkan ng mga De Arkanghel bilang alaala sa kanilang magandang nagawa dito sa bayan."

"De Arkanghel? Nabanggit na sakin ni Lola yan, sila ba ang namumuno dito noon?" I curiously asked.

She just nod and continue her story. "Oo, sila nga hija, pero may pumutok na balita noo na may tinatagong mangkukulam daw ang mga De Arkanghel dahil sa masagana palagi nilang ani. May tsismis na hanggang ngayon nabubuhay daw ang mangkukulam naiyon! Pero ako hindi ako naniniwala!"

Mangkukulam? Unti-unting kumabog ang puso ko sa mga nalalaman ko.

"Sige pa Ate Belinda ituloy mo  kwento mo sabihin mo lahat." aligaga kong sabi sa kanya.

Napahinga naman siya ng maluwag at napatingin sa kawalan. "Naikwento sa amin ng aming Lola na, ang aming ninuno ay tagasilbi noon sa pamilyang De Arkanghel napakabait ng mag-angkan na iyon kung kaya ay tinatangkilik sila ng mga tagabayan. Matagal ng nasa kamay ng mga Arkanghel ang pamumuno as bayan naito, simula sa bawat henerasyon nila. At meron pa nga daw na kailangan ang bawat salinlahi ng mga De Arkanghel ay magka-anak na lalaki para maipasa ang henerasyon at apelyido upang maipag-patuloy."

Napanganga naman ako, ganun? Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Ate Belinda so, kung may salinlahi nga e, nasaan na ang De Arkanghel ng panahon na ito?

Nakinig pa ako kay Ate Belinda. "May kaibigan ang mga De Arkanghel matalik na kaibigan nila ang pamilyang Sotelo. Minsan pa nga daw ay pinagkasundo nila ang anak na babae ng Sotelo sa anak ni Don Fredo na ang pangalan ata ay Leo– Leon? Hindi ko alam at nakalimutan na din ng Lola ko!" napakamot pa sa ulo si Ate Belinda.

3H of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon