KABANATA 1
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng aming sasakyan, ito na lang ang natira sa aming pamilya dahil sa pagkakabayad namin sa utang. Utang na inutang namin upang maoperahan si Mommy.
Nagkaroon siya ng Ovarian Cancer Stage 1 buti na lang ay agad itong naagapan dahil pag-hindi....deads na si Mommy and I can't live without my mommy. She's like my oxygen she's the reason why I'm breathing and of course my whole family and erhh...except my two evil sisters.
Pag nakasama ko sila asahan mong magiging impyerno ang buhay ko. At hindi ako na-inform na may free teaser pala sa earth going to hell. At ang dalawa kong kapatid ang nagpapatunay na they exist.
Tinanaw ko muli ang mga nagbeberdehang mga bulubundukin mula sa aming van. Nakabukas ang binatana kaya ang simoy ng hangin ay sumalubong sa aking mukha. Hindi ito mainit hindi tulad sa Manila na pag-patak pa lang ng alas-otso asahan mong nasa stage one kana ng impyerno kumabaga sa pag-patak ng alas-dose nasa final stage kana.
Malapit na kami sa probinsiya ng De Arkanghel ang probinsiya ni Daddy ito na lang ang natitirang ari-arian ng pamilya Alonzo dahil sa Manila nalimas na ang aming mga ari-arian pati na ang aming bahay.
Ngayon tuloy dito na kami maninirahan sa probinsiya ni Daddy together with our Lola. Kamusta na kaya si Lola ilang taon na din hindi ko siya nakita mga five? Or four years? I forgot.
Unti-unting nawala ang mga bulubundukin at mga puno at iilang bahay na lang ang aking nakita. Sa kaliwang side ng aming sasakyan ay makikita mo ang mga palayan, palay na nagsasayaw dahil sa ihip ng hangin alas-dose na ngunit ito ay malamig sa balat at sa bandang kanan matatanaw mo ang isang malinis na ilog.
Should I go with that river? It looks a green clear water. Buti na lang dala ko ang aking lahat na gamit wala kaming iniwan as in WALA.
Natatanaw ko na ang kabihasnan ng lugar may mga puno at mga bahay na hindi nagkakalayo. May mga batang naglalaro ng uhmm... whatever.
Idinungaw ko ang aking ulo ng kaonti ng makita kong may mga taong busy sa pamimili. Oh is this their market? Malaki-laki din siya kung titinggnan, ayos na din
Karamihan sa mga stall ay mga manggang ibinibenta at yung iba ay mga hinog na.Lahat ng tao ay nakangiti habang mga nag-uusap. Mukhang maganda ang kanilang pamumuhay sa lugar na ito. Sa bagay ang kanilang mga pamumuhay dito ay naayon sa kanilang kapaligiran.
Nakalagpas na kami sa palengke at natanaw kona ang napakalawak na manggahan hindi ito nalalayo sa kabihasnan. Kaya siguro malamig ang hangin ay dahil ubod ng daming puno ng mangga dito. Mukhang masasarap ang mangga at hitik ito sa bunga. Siguro malapit na ang anihan ng mangga dito? It looks sweet and a little bit sour nangangasim tuloy ang aking mukha. I'm craving right now!
Pagkalagpas namin ay lumiko sa isang kanto ang aming sasakyan at sa dulo non ay ang gate na may katandaan na as in super tanda na. Nasan ba si Lola?Parang walang nag-lilinis. May caretaker kaya? Tinanaw ko ang mansion mula sa sasakyan. Biglang tumaas ang balahibo ko dahil ang creepy ng itsura ng mansion. It looks like a creepy damn mansion on a horror movie. Pwede ng pag-shootingan!
Lumabas si Daddy sa sasakyan at bubuksan ang gate ng mansion nagiging kulay kalawang na ito ngunit hindi maalis dito na kulay itim at ginto ito at sa itaas ay may arko ng isang Anghel ngunit hindi na ito masyadong makita dahil madumi na.
Itinulak ni Daddy ang gate at lumangingit ang gate ito yung tunog sa mga horror pag nagbubukas ng gate!
Napakislot si Ate Frida na katabi ko. "Mom! Did you hear that? It sounds creepy! We will live here? Really? OMG!" naghihisterikal na sabi niya.
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...