KABANATA 7
Nagising ako na para bang may sumusundot-sundot sa pisngi ko kinapa ko naman iyon at inalis. Mga ilang lang sandali ay bumalik na naman iyon sa pagsundot sa aking pisngi. Nakakainis na ahh! Natutulog ka may istorbo, ngayon na nga lang napasarap ang tulog ko eh!
Inis na iminulat ko ang aking mata para tinggnan kung ano ba yung bagay na iyon pagmulat ko nabungaran ko ang isang maamong mukha na napakalapit sa akin.
My heartbeats race fast it's getting wild and wilder with the thought of our faces of this man is only has an inch gap from each other. The sensation between the two of us makes me feel dizzy and his dark black eyes hypnotized me.
He's physique define he's face, pointed nose, thick dark black eyebrows that suited he's foreign angelic face at ang...parang malambot nitong labi na nakakatakam tinggnan dahil parang sa sobrang lambot at pula nito na para bang buhay na buhay.
"Maganda ba ang iyong nabungaran sa umaga na ito, sadistang babae?" Nakangising tanong ng may-ari ng maamong mukha.
Nagsink-in naman sa utak ko kung sino ba ito at bigla-bigla ang panlalaki ng aking mga mata! Holy hell!
Si Ghoster!
Napabalikwas naman ako ng bangon at bigla siyang nahulog sa kama dahil sa ginawa kong pag-kilos. Napahawak siya sa kanyang likod na tumama sa sahig at lukot ang mukha.
"Aray.." daing niya at tinggnan ako ng masama.
Tininggnan ko din siya pabalik na may masama ding tinggin na kasama. "Kasalanan mo iyan.. ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Ha? Nakita mong natutulog yung tao mamwimwisit ka!"
"Wala akong ginagawang masama, ikaw ay aking lamang tinitinggnan dahil mayroon kapa ng tulo ng laway sa gilid ng iyong labi."
Nanlalaki ang mata kong napahawak sa aking labi. Hala! Nakakahiya! Hindi naman ako nagkakatulo-laway pag natutulog ako ahh! Pero bakit ngayon pa at nakita niya pa! Kinapa-kapa ko ang gilid ng aking labi pero wala naman akong makapa doon.
Nanlikisik ang matang tinggnan ko si Ghoster na ngayon ay nakaupo na sa sahig at pinipigil ang matawa. Bwiset! Naisahan ako doon ah.
Kinuha ko ang unan at pinagbabato sa kanya. "Kay aga-aga namimwisit kana! Wala kabang matinong alam at puro yuon lang? Ha!" sigaw ko at pinagbabato parin siya pero sinasanggan niya lang iyon gamit ang kanyang braso.
Tumawa naman siya."Kung may makikita sa iyong mukha ay paniguradong sasakit ang tiyan ng makakatunghay nito." humagalpak pa siya ng tawa. Tinitigan ko ang mukha niya habang tumatawa, napaka-natural lang nito sa kanya at mas bagay sa kanya ang tumawa o ngumiti kesa sa itsura niya noong mga nakaraang araw na parang may dalaw.
"Ahh ganun? Eh kung ang tiyan mo kaya ang suntukin ko? Ha!"
Nawala ang ngisi sa kanyang mukha at parang nabahag ang kanyang buntot. "Ikaw ay nagbibiro lamang, hindi ba?" malumanay niyang tanong.
Ako naman ngayon ang napatawa dahil sa kanyang itsura na para bang nakakita ng pinatay. Grabe na talaga ang takot sa akin ng lalaking ito! I laughed more with that thought!
Biglang sumeryoso ang aking mukha at tininggnan siya. "Hindi."
Nanlaki ang kanyang mga mata ng akmang susugurin ko na siya ng biglang may kumatok sa pinto!
"Apo? Tiara? Ikaw ba ay gising na? Bumaba kana diyaan at tayo ay mag-aagahan na." si Lola.
"Sige po La, baba na po!" sigaw ko para marinig ni Lola.
Tinggnan ko naman si Ghoster na para bang naka-hinga ng maluwag dahil sa pangyayaring iyon.
"Hindi pa tayo tapos! Antayin mo ako 'wag kang alis ng alis, sasamahan mo ako!"
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...