Prologo

40 8 0
                                    

PROLOGO

"Bibigyan kita ng kahilingan upang maipagpatuloy mo ang inyong susunod na henerasyon."
sambit ni Guro Ofelia.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko ay naka-tapat sa aking dibdib na nabaril kani-kanina lang. Nakahandusay na ako sa lupang malamig kasunod ng mga iba pang mamamayan na namatay dahil sa pakikipag-laban, habang pinapatigil ko ang pag-bulwak ng dugo mula sa aking dibdib.

Mauubusan ako ng dugo pag-hindi ko ito naagapan at maari ko itong ikamatay. Hindi maari....hindi ako maaring mamatay, hindi ko pa natutupad ang aking ipinangako sa aking Ama na yumao...

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ng aking Guro Ofelia na bibigyan niya ako ng isang kahilingan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay tanda na ilahad niya ang kanyang nais iparating bago ako mawalan ng buhay.

"G-guro...a-anong kahilingan?"
sambit ko na nabuhayan ng pag-asa

Napapikit siya at muling iminulat ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Bigla siyang ngumiti at parang hinampas ang dibdib ko sa kanyang ibinigay na ngiti sa akin.

"Bibigyan kita ng isang kahilingan at iyon ay maaari mong maipag-patuloy ang inyong henerasyon..." sambit niya at dahilan upang manlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi

Malaki na ang posibilidad na hindi ako maaaring magka-pamilya dahil ano mang oras na ngayon ay maaari ako bawian ng buhay.

Iniawang ko ang labi ko para makapag-salita "G-guro paano?"

Tininggnan niya ako sa aking mga mata. "Makinig kang mabuti Leonel maaring mong maipag-patuloy ang inyong henerasyon, maaring kang magka-anak, ngunit.....pagkatapos mong mamatay ang iyong kaluluwa ay mananahan sa mundong ito at mabubuhay lamang ito sa pagkalipas ng ilang dekada sa pamamagitan ng babaeng magdadala ng iyong anak."

3H of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon