KABANATA 9
"Teka matanong lang.." untag ko sa kanya habang naglalakad parin kami.
Nasa labas na kami ng mansiyon at dumadaan kami sa mga halaman at matago-tagong parte ng garden nila Lola.
Hindi pa naman kami nalalayo sa mansiyon, siguro malapit na kami sa aming pupuntahan.
I want to divert the silent between us. It's so awkward. Ang tahimik niya kasi.
He only glanced at me, a signal that he's waiting for my question.
I cleared my throat. "Ano nga pala pangalan mo? Oh, may pangalan kaba? Natatandaam mo paba?" Tanong ko.
Mag-iisang linggo ko na kasi siyang kilala pero hindi ko parin alam kung ano ang pangalan niya at ano ang itatawag ko sa kanya.
Bigla naman siyang napa-hinto sa aking tanong. Nanatili lang siyang naka-talikod sa akin.
"Uyy." untag ko sa kanya at bigla naman siyang nata-uhan.
"Bakit?" tanong niya.
"Anong bakit? Ang sabi ko ano ang pangalan mo?" paglilinaw ko ulit dahil parang hindi niya naintindihan ang aking sinabi kanina.
Nakatitig lang siya sa akin. At bumuntong-hininga. "Leonel." at pinag-patuloy niya ang kanyang paglalakad. "Leonel ang aking pangalan." marahang sambit niya.
Napatulala naman ako sa kanya habang naka-sunod parin ako sa likod niya.
Leonel...Leonel...
It's like a freaking Lion!
Lah! Ang gandang pangalan! Quite, but when you bugged them you can only tame them in an hard way.
Astig! I like his name. Wild. Lion. King of the jungle, and he can rule the whole wide of the jungle.
Tumakbo ako ng napansing kong nakalayo na pala siya, hindi man lang ako inantay. Napaka-ungentleman, may pasabi-sabi pang binibini.
Hindi ko kasi napansin na napahinto na pala ako kaka-isip ng kanyang mabangis na pangalan.
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Naglalakad-takbo na ako, mahaba kasi ang kanyang mga binti kaya ang bilis niyang mag-lakad.
He just remained silent but I know he heared me, so I'm just continue talking to him.
"Ang astig naman ng pangalan mo! Leonel! Leon! Wow!" manghang-manghang sambit ko.
Napalingon naman siya sa akin at napa-hinto, napahinto din ako sa pag-lalakad.
"A-astig? Ano ang ibig sabihin ng salitang iyong sinambit?" ani niya na naguguluhan.
Ahh oo nga pala he can't understand me. Galing nga pala siya sa sinauna. At ang mga salitang alam niya ay malallim, habang ako naman ay mga moderno na.
Maybe I can teach him a few words, para magka-intindihan kami. Para naman hindi siya maging tanga pag-kausap ako.
But maybe next time...next time na lang tinatamad ako eh.
"Astig... ibig sabihin parang ano ba ah, sandali!" Nag-isip akong salitang tutugma sa astig na maiintindihan niya. "Parang ang galing! Ganun, oh kaya pag-may ginawa ang isang taong kahanga-kahanga masasabi mong astig kasi magaling! ganun, tama yun nga." sabi ko.
Napatango-tango naman siya at para siyang bata habang pina-paliwanag ko sa kanya yuon. Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ko iyon, parang batang nakikinig ng leksyon ng isang guro at pag-hindi nakinig mapaparusahan ka.
"Ahh astig.." Sambit niya.
Napatulala ako sa pagkaka-banggit niya ng salitang iyon. Parang slang pa siya ng kaonti kanina din ay nung binanggit niya yuon nauutal pa siya, ngayon ay slang na lang pero why I find that hot?
BINABASA MO ANG
3H of Ours
General FictionMaginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Imp...