TFL2: 05

1.5K 63 30
                                    


Theodore Paez-Brievo

Tatlong araw na rin ang lumipas mag mula noong dumating kami dito sa beach. Sa buong tatlong araw na 'yun, madalang kaming magpalitan ng salita ni Uno.

Napipilitan lang din akong kausapin siya dahil sa kagustuhan ng kambal. Nakakatuwa rin dahil nawawala na ang pader sa pagitan ni Maxine at Uno. Lagi silang magkakasama, halos ayaw ng humiwalay ng kambal sa kaniya.

"Mom?" Speaking of Maxine, nakadungaw siya ngayon sa pintuan ng kwarto namin. Dalawa ang kwarto rito, doon sana sa kabila si Uno pero ayaw siyang payagan ng dalawa kaya ang ending dito kaming apat sa iisang kwarto.

Malaki naman ang kama at pinagigitnaan namin ang kambal kaya walang problema. Sinenyasan ko siyang lumapit habang nakangiti. "May problema ba anak?"

Umupo ito sa aking tabi at natahimik. Tumingin siya sa akin dahilan para matigilan ko.

She looks like pleading to me as the corner of her eyes starting to get wet. "Let's go back to daddy." Hindi ako makapag salita dahil sa sinabi ng anak ko. Yumakap siya sa bewang ko at isinubsob ang mukha sa aking dibdib "I want us to live in his house, gusto ko po makasama si daddy. I'm scared na after nitong vacation natin, mahihiwalay na tayo sa kaniya. I already forgave him, mommy. Can you do the same for us?" Nadadala ako sa bawat salitang binibitawan ni Maxine.

Nahihirapan akong nakikita siyang ganito. God knows how much I want Uno in our life pero hindi 'yun ganun kadali, hindi ko naman pinagbabawalan si Uno sa kambal pero labas na ako dun. Hindi ako kasali sa priorities niya.

"Anak, makakasama niyo pa naman ang daddy niyo after nito. Bibisitahin niya kayo palagi."

"But mom... sino naman ang makakasama ni daddy pagtapos nito? Tayo po magkakasama pero siya po mag-isa lang? Can you love him again? Ayoko po na nasa bahay siya para lang sa amin ni Marcus, gusto ko po para rin sa inyo. Gusto ko po tayo mabuo." Ang iyak niya sa bisig ko. Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko, parang binato ako ng realization.

Niyakap ko siya ng mahigpit tsaka umiyak sa balikat nito. "You know how much I love your dad, anak. Hindi ko naman nakalimutan ang daddy mo. G-gusto ko lang kalimutan lahat ng bad memories na nangyari sa amin so I can love him without doubting and getting scared. Gusto ko rin na mabuo tayo but not now."

"When, mom? When it's too late?" Ang bulong nito habang umiiyak.

Gusto ko lang naman maliwanagan sa lahat. Kung may sapat na paliwanag na ibibigay si Uno sa akin maybe... maybe mag bago ang isip ko.

Baka sakaling tanggapin ko na siya ng buo sa buhay namin.

"Just give me some time, baby. Babalik din tayo sa kaniya." Marahan itong tumango at ilang segundo pa ay natigil na siya sa pag iyak. Natawa na lang ako ng marinig ang mahina nitong hilik.

Dahan-dahan ko siyang inayos ng higa sa braso ko tsaka marahang hinalikan ang buong mukha nito. "Although you act like an adult, you're still a baby to me. I love you." Hinalikan ko siya sa tungki ng kaniyang ilong bago ko siya inayos ng higa sa kama. Pinalibutan ko ng unan ang paligid nito para hindi siya mahulog.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon