TFL: 06

1.4K 80 25
                                    


Theodore Paez-Brievo

"Get off your filthy hands on my property." Sabi nito habang masamang nakatingin kay Louie.

"U-uno... anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?" Pinilit kong maging kalmado para hindi mautal sa harapan niya. Ayokong isipin niyang malakas padin ang epekto niya sa akin. Kailangan kong mag matigas sa kanya. "I'm capable of doing it, hon. Kahit saan ka pa magtago, mahahanap at mahahanap kita." Aniya habang nakangisi sa akin.

"Hindi ako nagtatago, Uno. Pinalayas mo ako kaya ginagawa ko lang ang gusto mo."

"Then come back. Sumama ka na sa akin pabalik sa Manila." Lumakad siya papunta sa akin at huli na bago pa ako makaatras dahil nakuha niya na ang braso ko para hilahin palabas ng bakuran. "Uno! ano ba!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero mas malakas siya sa akin kaya ako lang ang nasasaktan sa ginagawa ko.

Bago pa man kami makalapit sa kotse niya ay may humila na sa akin. Napabitaw si Uno sa pagkakahawak sa braso ko kaya sumubsob ako sa dibdib ni Louie. "Lumayas ka na dito bago ko pa makalimutang pinsan kita." Kalmadong pagbabanta ni Louie. Kitang kita sa leeg at sintido niya ang mga naglalabasang ugat sanhi na nagpipigil ito ng sarili.

"I don't care, Sombito! Bitawan mo ang asawa ko dahil iuuwi ko na siya sa dapat niyang uwian." Kukuhanin pa sana nito ang kamay ko pero agad akong lumayo habang nakayakap kay Louie.

Natatakot ako kay Uno.

Nakita kong may dumaang lungkot sa mata nito pero agad ding napalitan ng matabang at malamig na emosyon. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko na hawak ni Louie. "Ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo na hindi mo na siya asawa? Ikaw ang sumira sa inyo kaya wala ka ng karapatan sa kanya. Panagutan mo ang kasal niyo ni Crystal at hayaan mo na sa akin si Theo."

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa tiyan ko. Unti-unti siyang ngumiti na nasundan ng mahihinang tawa. "Yan ba? Yan ba ang dahilan kaya ayaw mong sumama sa akin?" Naglandas ang tingin nito paakyat sa mga mata ko. Puno ng galit ang nakikita ko sa kanya dahilan para mas matakot ako. "Sumagot ka! Ano ha?! Ang lakas ng loob mong isisi sa akin lahat pero ikaw 'tong nagpabuntis! Puta ka talaga!"

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Gusto ko siyang saktan pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.Nakita ko na lang na nakahiga ito sa lupa habang pinapaulanan ng suntok ni Louie. Umawat ang mga tauhan niyang nakapaligid sa bahay.

Nablangko ang utak ko dahil sa mga salitang binitawan niya sa akin. Mapait akong napangiti. Hindi ka parin nagbabago, Uno. Hindi ko deserve na makasama ang katulad mo. Hindi mo deserve ang balikan.

"Hindi pa tayo tapos." Aniya nang mapaghiwalay sila ng mga tauhan ni Louie. Sumakay na ito sa sasakyan niya at mabilis na umalis. Lumapit sa akin si Louie at hinila ako para yakapin. Napayakap na lang din ako sa kanya at hindi ko na napigilang umiyak sa dibdib nito.

Kahit pagbalibaliktarin ang mundo, ganoon parin ang epekto sa akin ni Uno. Madaling nasira ang pader na ginawa ko sa pagitan namin. Akala ko hindi na ako tatablan sa mga sasabihin niya, hindi pala ako nakapag handa ng todo.

Inalalayan ako ni Louie papasok sa bahay at pinainom ng tubig para kumalma. "May masakit ba sayo? Bukas na lang tayo mag pacheck up para makapag pahinga ka muna."

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon