TFL: 07

1.6K 90 31
                                    


Theodore Paez-Brievo

"Paano kayo nagkakilala ni Lewis? Katrabaho ka ba niya?" Tanong ko sa bisita namin na si Stevan. Bunsong kapatid ni Uno. Kaya pala pamilyar siya sa akin.

Nag alok ako ng meryenda pero tumanggi siya dahil daw hindi naman na siya magtatagal pa at aalis na rin kaagad, wala naman kasi dito ang hinahanap niya.  "It's a long story, kuya. Kailangan ko muna siyang mahanap and pag naayos ko na lahat sa pagitan namin, sasabihin ko sa inyo." Aniya at dumeretsong tumingin sa akin pababa sa tiyan ko, napayakap ako doon dahil nacoconscious ako. "Ilang buwan na?" Tanong niya habang nakangiti kaya kahit paano nawala ang takot ko. "Five months na." Tumango lang ito at hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi.

"Ang tanga niya para palayuin ka sa ganoong paraan." Sabi nito, dahilan para mapahinto ako. I know na he's pertaining to his brother. Natawa na lang ako at napakamot sa sintido. Brievo nga pala 'to, imposibleng makapag tago ka ng sikreto sa kanila. Unless, they don't give a fuck about you. Hindi ka nila pakikielaman.

"He's my brother after all. Don't worry, kaming dalawa lang ni kuya Rafael ang nakakaalam. Wala kami sa lugar para sabihin sa magulang namin." Paliwanag niya na ikinangiti ko. Hindi ko sila nakasama pero alam kong ito ang isa sa ugali nilang magkakapatid. Kahit alam nila ang tinatago mo, hindi sila magsasalita ng kahit ano maliban na lang kung may pahintulot mo. Kahit may alam sila, pinipili nilang manahimik lalo na't hindi naman nila problema.

"Thank you, Stevan. Wala ka na rin namang masasabi about sa amin dahil matagal na kaming hiwalay." What's the point of telling it to others kung wala na kami ni Uno? Hindi na kailangang malaman ng ibang tao na kinasal siya sa lalaki. Ibabaon na lang namin 'yun sa hukay para walang makaalam pang iba. I still care for his career kaya kahit wala na kami, gusto kong maayos ang tingin sa kaniya ng mga tao. Kahit sinaktan niya ako ng sobra, I can't change the fact na I still have a soft spot for him. Kahit na galit ako sa kanya, hindi ko parin maiwasang mag-alala. "I knew him than you do. He won't get tired of chasing you even you gave up on him. Maybe he did that thing 'cause there's a reason behind of it. He just want to fix it by himself without involving someone he treasures the most. Don't lose hope for kuya, okay? He will come back and make it up to you."

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako habang nakikinig sa kaniya. Nakatitig lang ako sa nakangiti nitong mukha na unti-unting lumalabo dahil sa luha na humaharang sa mata ko. "Aalis na ako. Kuya Louie, ikaw na muna ang bahala sa kanila." Hindi na ako nakapag paalam ng maayos kay Stevan kakaiyak. Iniwan nila akong dalawa sa sala para ihatid ni Louie si Stevan sa labas.

Dapat ba akong maniwala after what he did? after what he said? Na halos patayin niya ako sa galit at pandidiri? Hindi ko na alam, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Uno.

"Are you okay? Do you want to rest?" Louie asked as he sat beside me and spoon my body closer to him. I hugged his waist and buried my face on his chest. Naramdaman kong yumakap ang mga braso nito sa katawan ko at ang paulit-ulit niyang paghalik sa tuktok ng ulo ko.

I feel safe and secure in his arms. Lalo lang akong naiyak habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. Para akong bata na napagkaitan ng pagmamahal at atensyon. Gusto ko na siyang kalimutan pero binabagabag ako ng mga salitang iniwan ni Stevan. Ayokong maniwala but my heart says otherwise. Gusto nitong tibagin ang galit at pagkamuhi sa taong sumira dito.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon