TFL2: 02

1.4K 81 33
                                    


Theodore Paez-Brievo

"Uhm excuse me..." Harang ko sa parang staff yata nitong school. "Pwede niyo po bang ituro kung saan 'yung room ni Mr. Alvarez?" Napatingin ito sa kambal at ngumiti bago ulit tumingin sa akin. "Diretsuhin niyo lang ang pasilyo na 'yan, 'yung pangalawa sa dulo ang room niya." Nakangiting pagtuturo nito sa amin.

"Maraming salamat po sa tulong. Mga anak, magpasalat kayo kay sir..."

"Agoncillo, Tyron Agoncillo." Pagpapakilala nito.

"Thank you po, Sir Tyron!"
"Thank you po."

Pagpapasalamat ng dalawa. Natawa lang ito sa kanila at ginulo ang buhok. "Oh by the way, kayo ba yung galing Canada na mag eenroll dito?" Tanong nito na ipinagtaka ko.

"Uhm opo, nasabi po ba sa inyo ni Mr. Alvarez?" Malay natin baka ichinika diba. Nakakagulat lang kasi staff tapos alam niya yung tungkol doon, o baka naman isa talaga siyang teacher. "Uh no, ako kasi ang may hawak ng request form niyo." Napatingin ito sa suot niyang relos bago alanganing tumingin sa amin. "Pasensya na pero mukhang hindi ko na kayo makakausap pa ng matagal, may pupuntahan pa kasi ako. Nandoon si teacher Alvarez sa room niya, puntahan niyo na lang." Pag papaalam nito.

Kaloka eh hindi naman namin sinabing makikipag usap kami ng matagal sa'yo dahil hindi ikaw ang pakay namin.

"Ah okay lang po hehe. Ingat sa pupuntahan." Magalang itong nagpaalam at umalis kaya't napailing na lang ako habang nakangiti. Sinunod namin ang tinuro sa aming direksyon hanggang sa makarating na nga kami sa tapat ng nasabing room. Kakatok palang sana ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa ang isang lalaki.

"Mr. Paez?" Ani niya nang nakangiti sabay tingin sa dalawang bata na nasa magkabilang gilid ko. "Yes, kayo na po ba si teacher Mikhail?" Tanong ko rito na ikinatango niya. "Ako nga, pasok kayo rito sa loob para makapag usap-usap tayo." Pag anyaya niya na tinanggap namin. Naupo kaming tatlo sa upuan na malapit sa pisara nito. "Mommy, gutom na po ako." Pag sulpot ng batang lalaki na siguro'y kaedad ng kambal ko. Nagulat kami parehas nang 'mommy' ang itawag nito sa kaniya.

Hindi kaya...

"Carrier ka rin?" Inunahan ko na siya para hindi siya matakot magsabi sa amin ng totoo. Kagaya ko, nakakatakot ilantad ang ganitong sitwasyon sa harap ng ibang tao dahil hindi natin alam kung open or close minded ba ang nakakausap natin. Hindi ko ikinahihiya ang mga anak kong nang galing mismo sa akin, natatakot lang ako para sa kanila dahil ayokong umani sila ng samu't- saring discrimination ng dahil sa akin. "S-sayo rin sila nang galing?" Ang hindi makapaniwalang tanong nito kaya't nginitian ko siya. "Yes. Hindi ko inaasahan na makakaencounter ulit ako ng katulad ko after a year. Carrier din ang bestfriend ko, 'yung isa namang nakilala ko sa OBgyne, hindi ko na alam kung kamusta sila nung baby niya. Sigurado akong malaki na rin ang anak nun." 

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon