TFL: 02

1.4K 86 13
                                    

Theodore Paez-Brievo

Mabilis na lumipas ang mga araw. Tatlong araw na lang ang itatagal ko dito. Minsan din binibisita ako ni Louie pag hindi umuuwi si Uno. Siya ang kasabay kong kumain tapos pinapauwi ko na lang pag matutulog na, natatakot kasi akong patulugin siya dito. Baka magkaissue pa.

Kakagising ko lang at alam kong wala na dito si Uno. Mabilisan akong naligo at nagbihis para makapag simula na sa pag lilinis. Masakit ang ulo ko kagabi kaya tinanghali ako ng gising ngayon. Nitong mga nagdaang araw, madalas na akong gutumin tapos mahihilo pag hindi ko gusto yung amoy.

Napahinto ako nang maabutan ko si Louie na nagluluto sa kusina. Ang aga naman yata ng kumag na 'to?

"Oy Louie, aga natin ah. Anong meron? Wala ka bang trabaho?" Naaamoy ko yung sinangag na niluluto niya kaya medyo nahilo ako. Bakit ang baho?

"Wala naman. Tapos ko na kasi yung pinapatrabaho ni Uno kaya dinalaw na muna kita dito. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Aniya at humarap sa akin.

"Okay na ako. Wag ka na masyad- eughk!" Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at lumuhod sa tapat ng inidoro. Isinuka ko lahat ng lakas na natitira sa katawan ko. Hilong-hilo akong napatayo at buti na lang nakaalalay si Louie sa akin kung hindi baka tumumba na ako.

"Anong nangyayari sayo? Nilalagnat ka ba?" Idinampi pa niya ang likod ng kamay niya sa noo ko at tinignan kung mainit ang temperatura ko. "Normal naman yung init mo. May iba ka pa bang nararamdaman?" Nanlalambot ako kaya napakapit ako sa braso niya, muntik pa akong masubsob dahil sa sobrang hilo. "P-pag nakakaamoy ako ng kung ano, bigla na lang akong n-nahihilo."

"Kailan yung huling pagtatalik niyo?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "One week ago?" Namumula kong sagot sa kanya dahil sa hiya. Nagkatitigan kaming dalawa at doon ko narealize kung ano ang ibig niyang sabihin. I feel myself crying, not because I don't want this. I'm happy, naiiyak ako sa sobrang tuwa.

"Sasamahan kita mag pacheck up mamaya. Rest and eat para hindi ka mahilo sa byahe." Inalalayan niya akong makarating sa kusina para kumain ng umagahan. Inilayo ko sa akin yung sinangag na niluto niya. I feel like throwing up again nung naamoy ko yun. Wala na talaga akong lakas na natitira sa katawan. Hindi ko na kayang sumuka pa.

"May gusto ka bang kainin? Cravings?" Tanong niya habang inilalayo sa akin yung hinanda niya. Nahihiya tuloy ako, baka isipin niyang hindi masarap yung niluto niya. "S-sorry... hindi lang talaga kaya ng sikmura ko yung amoy."

"Hey, it's okay. Alam ko namang mahirap yang nararanasan mo ngayon. Just tell me what you want and i'll serve it to you." Aniya sa mababang boses. Alam kong pinapakalma niya ako kaya nginitian ko siya. "Pwedeng pakikuha yung chocolate cake sa ref?"

"Certo signore" he said with his Italian accent. Noong nagbibinata palang kami, gustong gusto ko siyang nagsasalita ng italian language kasi napopogian ako sa accent niya. Lalo na nung nagkakilala kami ni Uno, mas malala yung pagkamanly ng boses niya kaya patay patay ako sa kanya noon. Hanggang ngayon naman.

Mag pinsan ang dalawang yan. Kapatid ni Señor Frederick si Señora Frederica na nanay ni Louie. Magkaibigan din sila. Sa kanilang mag pipinsan, kay Louie malapit ang tatlong magkakapatid.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon