SEASON 2

1.4K 84 18
                                    


six years later...

Paikot ikot na ako sa park ngunit hindi ko parin nakikita ang hinahanap ko. Nireport ko na rin sa mga sundalo at guard na nakaassign doon na nawawala ang anak ko. Sinabihan nila akong manatili na lang sa opisina nila pero hindi ko kayang mag hintay na lang basta.

"Ale, may nakita po ba kayong batang lalaki na maputi at may pagka chubby? Mga hanggang bewang po ang taas niya." Tanong ko sa tinderang naglalako ng mga candy canes. "Meron akong nakasalubong kaninang batang umiiyak, lalapitan ko pa sana kaso may nauna nang lumapit na lalaki. Akala ko papa niya kasi sumama naman din 'yung bata, tignan mo doon sa may tabi ng fountain kung nandoon pa sila." Mas lalo naman akong kinabahan nang sabihin niyang may sinamahan itong lalaki.

"Salamat po! Maraming maraming salamat!" Tinakbo ko na ang sinabi nitong lugar dahil hindi ako mapanatag nang sabihin nung ale kanina na may kumuha sa kaniyang lalaki. Maliban sa akin, si Louie at Kyle lang ang sinasamahan niya. Matalino ang anak ko kaya alam kong natatandaan niya pa ang sinabi ko noon na huwag sa sasama sa hindi niya kilala.

"Marcus!" Umiiyak akong yumakap sa anak kong may hawak pang cotton candy. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko siyang maayos ang lagay. Sinapo ko agad ang matataba nitong pisngi para pugpugin iyon ng halik. "S-saan ka ba nag punta, anak? May masakit ba sayo? Mommy will blow it to shoo the pain away. Wag ka na ulit aalis sa tabi ko ha? Mababaliw si mommy pag pati ikaw nawala sa akin."

Pinunasan ko muna ang pisngi nito na nanlalagkit dahil sa cotton candy na natunaw. "No pain, mommy, no pain. Don't cry, okay? Marcus is good because daddy saved him." Bigla kong naalala yung sinabi nung babae kanina na may sinamahang lalaki ang anak ko. "Daddy? Daddy Louie?" Hindi kaya si Louie talaga? Kung ganoon, kailan pa kaya siya nakauwi at hindi man lang ako ininform.

Lumingon lingon muna ako sa paligid para hanapin si Louie at napabalik ang tingin ko kay Marcus nang hindi ko ito mahanap. "No papa, mommy. Daddy po, him!" Turo nito sa likuran ko.

"Ganun na ba ako kawalang halaga sayo kaya ipinaako mo sa iba ang anak ko?"  Hindi ko na magawang tignan kung sino ang nasa likuran ko dahil kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Alam kong magkikita at magkikita parin kami dahil maliit lang naman ang mundo at alam kong wala akong panama sa connection niya pero hindi ko inasahang sa ganitong sitwasyon kami magkikita. "Kinakausap kita kaya humarap ka, wag kang bastos."

Nagpantig ang tenga ko ng dahil sa sinabi nito. Hinawakan ko sa kamay si Marcus bago ko siya harapin. Tila naestatwa pa ako nang magkaharap kami. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, napaka daming nagbago sa tindig at itsura nito. Siya rin ay nahuli kong sinusuri ang buong pagkatao ko kaya't ako na ang pumutol ng katahimikan sa pagitan namin.

"Salamat sa p-pagsama sa anak ko. Wag mo sanang masamain pero aalis na kami."

Agaran kong kinarga si Marcus at hindi na hinintay ang sasabihin niya. "Bye bye, daddy." Malungkot na saad ng anak ko habang kumakaway. Nakokonsensya at nalulungkot din ako pero hindi na pwede, hindi pwede dahil sigurado akong may sarili na siyang pamilya. Kaya rin siguro nandito siya sa park dahil kasama niya rin ang anak niyang naglilibot dito.

"Hindi ko pa kayo pinapaalis." Napabuntong hininga ako bago siya harapin ulit. "Pasensiya na pero may naghihintay kasi sa amin." Kumunot ang noo nito na napalitan din kaagad ng nakakainsultong ngiti. "Sino? Si Louie?" Hindi ba napapagod ang lalaking 'to kakabanggit sa pangalan ni Louie? Nag aalala tuloy ako, baka abot na ang pagubo nung tao.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon