TFL2: 04

1.6K 77 42
                                    


Theodore Paez-Brievo

Nagising ako sa ingay ng hampas ng alon. Minulat ko ng maayos ang mga mata ko tsaka ako lumingon sa paligid. Wala na silang tatlo sa loob ng kotse at ako na lang ang natitira dito sa loob. Mayroon na ring maliit na kumot na nakatakip sa katawan ko, kaya pala hindi ako masiyadong nilamig.

Ikinundisyon ko muna ang katawan ko sa lagay na 'to dahil kakagising ko lang. Mamaya na lang siguro ako lalabas kapag tuluyan ng bumalik sa akin ang diwa ko. Hindi naman siguro pababayaan ni Uno ang kambal kung saan man sila nagpunta.

Habang nag mumuni-muni ako rito ay hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sa akin kanina ni Uno. Parang sirang plakang nag p-play sa utak ko yung sinabi niya.

"You look stunning, you're so beautiful."

"You look stunning, you're so beautiful."

"You look stunning, you're so beautiful."

Kahit malamig dito sa loob ng kotse ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa init na nararamdaman ko.

Ganito ba kalakas ang epekto ni Uno sa akin? Sa simpleng compliment para akong bumalik sa pagiging highschool na kilig na kilig sa crush niya. Ganito na lang ba kadaling masisira ang pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa?

Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang daming gumugulo sa isip ko ngayon. The fact na gusto ko rin makasama si Uno, hindi lang para sa mga bata ngunit para na rin sa akin. Kung ito ang huling pagkakataon na masosolo namin siya, susulitin ko na. Ibaba ko ang pride ko para sa chance na 'to.

Matapos ng magulong pag iisip ay naisipan ko na ring lumabas sa kotse ni Uno. Kinuha ko 'yung ibang gamit na naiwan sa sasakyan tsaka ako bumaba. Bumungad sa akin ang mainit ngunit preskong kapaligiran. Buti pala'y nagsuot ako ng sunglasses dahil sobrang nakakasilaw ang dagat. Inilibot ko ang paningin ko sa dalampasigan na may mga ngingilang taong naglalaro at naglalakad. Hinanap agad ng paningin ko ang tatlo dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta, baka pag naglakad-lakad ako ay magkasalisi kami.

"Mommy!" Narinig ko bigla ang boses ni Marcus kung saan, hinanap ko agad kung saan nanggaling ang boses nang makita ko silang tatlo papalabas ng isang ice cream shop. Natawa ako sa itsura niya dahil nagkalat sa gilid ng kanyang labi ang kinakain niyang ice cream na chocolate flavor.

Napatingin naman ako sa gawi ni Maxine na nakahawak sa laylayan ng damit ni Uno kumpara sa kapatid niyang hawak ang kamay ng ama nito. Well... hindi na masama. May hawak naman siyang ice cream na nasa cup, ayaw niya kasing nanlalagkit kaya siguro iyon ang pinabili niya.

"Bakit naman hindi niyo ako ginising at ng nakasama naman ako sa inyo." Pinalungkot ko ang boses ko kaya napanguso ang kambal. "Ang sarap kasi ng tulog mo kanina kaya hindi ka na namin ginising, mukhang maganda rin kasi yung napanaginipan mo kanina." Ang nakangising sagot ni Uno kaya't inirapan ko siya. Alam kong ipang aasar niya yung eksena naming dalawa sa bahay kanina. Parang tanga.

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang tissue na nasa bulsa ng bag ko para punasan ng pisngi ni Marcus. "Oh eto yung para sayo." Iniabot niya sa akin ang plastic na may lamang ice cream na nakacontainer na maliit. "Para naman mabawasan yang pagiging salty mo." Hirit niya pa.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon