SIX YEARS LATER
"Marcus! Come here!" Sigaw ko sa batang maligalig na nagtatatakbo papasok sa malawak na bakuran nang makababa kami ng sasakyan. "Nandito na po ba tayo, mommy?" Saglit kong sinulyapan ang bahay bago tumingin sa anak ko at tumango. "Eto na 'yung sinasabi ni papa Louie mo na titirhan natin.""Sir Theo, anak niyo ho ba 'yung batang tumakbo papasok? Abay nagulat ho kasi ako bigla na lang pumasok sa kusina, nagugutom na raw ho siya." Pagsalubong sa amin ni manang Minda nang makapasok kami ng bahay. Mahina akong natawa dahil sa kakulitan ng anak ko. Kahit saan talaga mapunta pagkain agad ang hinahanap.
"Opo manang. Pasensiya na po kayo at matakaw talaga ang bunso ko na 'yun." Hindi na ako nag-abalang kuhanin ang mga bagahe sa sasakyan dahil nagprisinta na ang mga makakasama namin dito sa bahay na sila na ang magpapasok. Nakakalambot ng puso dahil mainit ang pagsalubong nila sa amin.
"Ma! ma! Look! They have adobo and kare-kare like what you always cooked for me and ate!"
"Nabalitaan po kasi namin na favorite ng mga bata iyan kaya naisipan naming 'yang dalawang putahe ang ihanda ngayon. Kapag po kasi umuuwi si Louie dito, kung ano ano ang naikukwento tungkol sa mga bata." Saad ni Manang Minda habang naghahanda ng mga plato at kubyertos sa lamesa.
Ang saya lang kasi kahit na hindi kay Louie galing ang kambal, tinuturing niya parin silang parang tunay na anak. Huwag nga raw 'ninong' ang itawag sa kanya kundi papa. Laging spoiled ang dalawa kay Louie, pag galing ito sa Pilipinas ay paniguradong may pasalubong ang kambal ng kung anu-anong laruan, souvenir o pagkaing pinoy na gustong gusto naman nila. Lalo na 'yung siopao, kung saan ko sila pinaglihi.
Para rin nga naman silang siopao dahil maputi at chubby ang dalawa at dahil sa kaputian ay mayroong shade ng pula ang mga pisngi nila.
"Sir Theo, kain na ho kayo. Mukhang napagod kayo sa byahe eh." Nginitian ko si manang at tsaka inakbayan ito. "Wag niyo na po ako tawaging sir and wag na rin ho kayong mag po sa akin. Pamilya po tayo dito, hindi namin kayo katulong."
"Naku eh napakabait mo namang bata ka. O' siya sige na kumain na kayo at pagkatapos ay magpahinga. Yung mga gamit niyo, inakyat na nila sa kwarto niyo. Pakabusog kayo, anak. Doon lang kami sa kusina kakain."
"Manang naman! Sabayan niyo na po kami dito. Ang haba haba nitong dining table tapos kaming tatlo lang kakain? Malungkot naman po yata 'yon. Maupo na po kayo diyan, tawagin niyo na po 'yung iba para sumabay na rin."
At nagkaroon nga kami ng munting salo-salo kasama ang mga driver at iba pang kasambahay dito. Hindi naman kasi sila iba para sa akin though ngayon ko lang sila nakilala. Gusto ko ipakita sa kanila na hindi ako bitchesang nakikitira tulad ng karamihan sa mga kwento o palabas. Ako pa nga ang dapat mahiya dahil mas matagal na silang nagsisilbi dito tapos ako bigla na lang susulpot. Nagulat din ako na may sariling bahay na pala ang mokong na Louie dahil ang alam ko ay sa bahay ni tita siya nakatira. Dalawa na lang silang magkasama simula noong namatay ang mama ni Louie.
BINABASA MO ANG
TBT1: The Forgotten Love [MPREG]
Художественная прозаTBTS: The Forgotten Love BXB | MPREG © Kkookai Uno Maximo Brievo was known as the youngest CEO in their generation. Being a successful and wealthy man, kailangan niyang pangalagaan ang imahe niya sa media at sa mga tao. Theodore Paez. The selfless...