TFL: 08

1.6K 64 26
                                    


Theodore Paez-Brievo

Plano kong pumunta sa bahay namin para makausap sina Mama.  Kailangan ko munang ipaalam kung ano ang mga plano ko para hindi na sila mag-alala pag umalis ako ng bansa. Sinabi rin sa akin ni kuya na alam na nila ang balita tungkol sa pagpapakasal ni Uno sa ibang tao kaya hinahanap nila ako.

"Theo? Nandyan na si Terence." Sinilip ko muna si Louie sa pintuan bago ngumiti. "Pakisabi susunod na ako." Tumango lang ito bilang sagot tsaka umalis para puntahan si kuya. Silang tatlo ang mag kakaedad nina Uno at Louie.

Nagsuot lang ako ng above the knee na shorts at long tee. Hindi ko na kailangang itago ang tiyan ko dahil alam naman nilang carrier ako. Syempre sa kanila ako nang galing.

Minadali ko na rin ang pag aayos para makarating kami sa bahay ng mas maaga.
Naabutan ko si kuya at Louie na nag uusap sa sala, sabay pa silang napalingon sa akin nang tumikhim ako. "Sasama ka ba, Louie?" Tanong ko rito na ikinabuga niya lang ng hangin. "Gustuhin ko man kaso kailangan na ako sa opisina. May mga shareholders daw na gusto akong makausap instead of Kyle. Ikamusta mo na lang ako kila tita"

"Doon ka rin muna matutulog sa atin, bunso. Baka sa isang araw pa makauwi rito si Louie, susunduin ka na lang daw ni Lewis kung makakauwi siya." Dagdag ni kuya na tinanguan ko lang. Hindi na ako masyadong nag aalala kay Lewis dahil alam kong may nagbabantay sa kaniya. Hindi man sabihin ni Stevan, alam kong may namamagitan sa kanila.

Sumabay si Louie papuntang bayan at nagpababa sa terminal ng bus. Matapos namin siyang maihatid, dumiretso na rin kami ni kuya papunta sa amin. Ginamit niyang sasakyan yung owner na niregalo sa kaniya nina papa noong grumaduate siya ng college kaya hindi na kami nagpasundo kay Tatang Petacio.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang papalapit kami sa bahay namin.

"Wag kang kabahan. Kung magagalit man sila sayo, hindi 'yun magtatagal. Miss na miss ka na nila kaya imposibleng matiis ka ng mga 'yun." Mahina lang akong natawa bago napabuga ng hangin.  "Baka kasi hindi pa man ako nakakapag paliwanag, umiyak na ako sa harapan nila." Bukod kay Uno, kahinaan ko rin ang pamilya ko.

"Hindi ka parin talaga nagbabago, napaka iyakin mo parin."

Puro tawanan at kwentuhan ang ginawa namin ni kuya para mapagaan ang pakiramdam ko, hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi alam nina mama at papa na ngayon ako uuwi. Sinabi ko kay kuya na wag niyang ipaalam, gusto ko silang masurpresa sa pag uwi ko.

Maingat niyang pinatay ang makina nang tumapat kami sa bahay. Inalalayan niya rin akong bumaba dahil namanhid ang mga binti at paa ko. Sa maliit na pintuan kami dumaan para hindi nila marinig ang paglangitngit ng gate. Nakaakbay ako kay kuya at siya naman ay nakaalalay sa bewang ko.

"Dahan-dahan lang. Wag masiyadong excited." Pang aasar niya pa kaya kinurot ko siya sa balikat. "Wag ka na lang maingay" Bawal ko sa kaniya na tinawanan niya lang. Maingat niyang pinihit ang doorknob bago ito tinulak. Hindi ko maiwasang maluha habang pinag mamasdan ang sala namin na puno ng litrato naming apat.

"Terence? Ang aga mo naman yatang umuwi? Akala ko ba malayo ang pupunta-" Napahinto si mama sa pintuan ng kusina nang mapadako ang tingin niya sa akin. Sari-saring emosyon ang nakita ko sa mata nito habang sinusuri ang kabuuan ko. Ngumiti ako sa kaniya habang hinihimas ang aking malaking tiyan. "I missed you, Ma."

Napatakip siya ng bibig habang nakatitig sa akin, nakita ko pa ang pamumuo ng luha nito. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak at lumapit sa kaniya para yumakap. "M-mama ko... sorry p-po," Ang sunod-sunod kong pag hikbi sa balikat nito. Naramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap na mas lalo kong ikinaiyak. Miss na miss ko na ang yakap na 'to.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon