TFL2: 03

1.5K 69 33
                                    


Theodore Paez-Brievo


Dalawang araw na rin ang nagdaan mag mula noong nagkita kami ni Uno sa isang restaurant. Simula noong araw na 'yon ay hindi na siya nagparamdam, bago pa man kami matapos kumain ay nagpaalam na siyang aalis dahil may aasikasuhin daw  siya sa kumpanya nila.

Kita ko kung paano malungkot ang kambal kahit na alam kong pinipigilan ni Maxine ang sarili niyang magpakita ng emosyon sa harap ng ama niya. Ayaw naman bumitaw ni Marcus kay Uno noong aalis na ito kaya nangako sa kanya ang isa na bibisitahin at iuuwi siya nito pag nagkaroon na ulit ng pagkakataon.

I don't know if it's a good thing or not dahil may sarili ng pamilya si Uno. Ayoko namang apihin at tawaging bastardo ang anak ko, 'di baleng putulin ko ng tuluyan ang communication namin kay Uno kesa maliitin nila ang mga anak ko. Tama na yung naranasan kong hirap at sakit noon, ayoko ng maulit pa lahat sa pagkakataong ito. Matagal bago ko inayos ang sarili ko, nihindi pa nga ako totally nakakaahon tapos hahatakin na naman nila ako pababa.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng mag ring ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang hindi ko man lang tinitignan ang caller ID.

"Hello?"

"Hoy bakla! Umuwi na pala kayo ng pilipinas ng mga inaanak ko wala ka man lang paabiso!" Talak nito sa kabilang linya. Mahina akong natawa habang naiimagine ko ang mukha ni Lewis na naiinis. "Sorry na, nawala sa isip ko eh."

"Wala ka talaga kamong balak magsabi, ayaw mo bang bisitahin ka namin dyan? Miss na miss na ni Stroam yung kambal mo. Ako nga 'tong kinukulit ng kinukulit kasi bakit daw hindi kayo tumatawag."

"Eh kasi naman busy ako sa pag lilipat ng mga papel ng mga bata, inenrolled ko na rin sila kaya next week papasok na sila sa school."

Totoo naman, dahil nga sa ibang bansa ko sila pinanganak, kailangan kong ayusin yung mga papel at kumuha ng mga PSA kineme dito sa pilipinas in case na kailanganin ko.

"Osiya, kailan mo ba kami papupuntahin dyan? Buryong buryo na kami ni Stroam dito sa bahay, lagi ngang kinakausap yung kalabaw ni Tatang Petacio dito."

Bumalik na rin pala si Lewis sa bahay niya, akala ko'y tuluyan niya ng ipapaubaya kay Tatang Petacio iyon.

"Ilibot mo naman kasi siya sa bayan, bakla. Hindi 'yung nandyan lang kayo nakakulong sa bahay mo, akala mo kang aswang na takot sa liwanag niyan." Pangugumbinsi ko sa kaniya.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon