TFL: 09

1.6K 81 46
                                    


Uno Maximo Brievo

Sa mga nagdaan na araw na kasama ko Crystal, lalong tumabang ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ito ang gusto ko at hindi ko rin inasahan na sa iisang tao parin ang bagsak ko.

"Babe?! Bakit ba wala ka lagi sa sarili mo?!" Singhal niya na ikinainis ko. Tanginang boses 'yan, ang sakit sa tenga. Masama akong napatingin sa kaniya dahilan para ikaatras nito. "S-sorry..." Pinaamo pa nito ang expression niya na hindi naman bagay.

Naupo ito sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko ang pag lingkis ng mga kamay nito sa braso ko pati ang kuko niyang dumidiin sa balat ko. "Pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko lang magpahinga." Pakiusap ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig.

"Mag bihis ka na para maka-"

"Please."

Pinutol ko ang sasabihin nito at sandali siyang natahimik bago tumayo. Tumingin ako sa kaniya pero hindi ko mabasa ang emosyon na nakapinta sa mukha niya. "Get ready na ha? I can't wait to meet your family na. I'm sure makakasundo ko si tita." Aniya at deretsong lumabas ng pinto. Parang wala lang sa kaniya 'yung ginagawa ko. Napaka insensitive ng babaeng 'yon. Mas inaalala niya pa 'yung kasal namin na hindi ko na itutuloy.

Marahas akong napabuga ng hangin tsaka kinuha ang cellphone sa study table na nasa tabi ng kama ko. Chineck ko lahat ng email na sinend kanina ni Art. Isa ito sa rason kung bakit ko pinalabas si Crystal.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabasa lahat ng files pati ang mga report ukol sa nangyari kay Theo sa nagdaang mga buwan na wala siya sa puder ko.

"I-i'm sorry... s-sorry..." Hindi ko maiwasang manginig habang nakatingin sa report na ipinasa sa akin. Dali-dali akong pumunta sa opisina ko para kuhanin ang divorce paper na pinirmahan ni Theo, agad ko itong pinunit at itinapon na lang kung saan. Frustrated akong napasabunot sa sarili kong buhok habang inuuntog ang ulo ko sa lamesa.

"Fuck you, Uno! Wala ka talagang kwenta! You promised to him na magiging mabuting asawa ka pero look! sirang-sira na ang imahe mo sa kanya! Napakagago mo!"

Hindi ko maiwasang maluha habang sinisisi ang sarili ko. Kulang pa itong nararamdaman kong sakit kumpara sa ipinaramdam ko sa kaniya.

I treated him like nothing at hindi ko maiwasang maguilty dahil dala niya ang mga anak namin noong panahon na pinahihirapan ko siya. And proud ako dahil kinaya niya 'yun para sa mga bata. Alam kong umalis siya para sa mga anak namin.

Kinuha ko ang litrato namin na nakatago dito sa drawer ng lamesa ko. "You're so selfless, baby. Ibabalik na kita dito, bubuo ulit tayo ng pamilya. I'll fulfill your needs, gagawin ko lahat ng noon palang ay dapat ko nang ginawa." 

Ipinatong ko sa lamesa ang litrato naming dalawa bago ko ayusin ang sarili kong postura. Pag tapos ay napatingin ako sa wedding ring namin ni Theo, nakangiti ko itong hinalikan bago ako lumabas ng opisina.

I've decided. Kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko.

"Alis na tayo." Pag interrupt ko sa ginagawa ni Crystal sa sala. Nagulat pa ito sa biglaang pag sulpot ko at mabilisang itinago ang cellphone niya sa dala niyang bag. "Where are we going?" Naparolyo naman ako ng mata tsaka hinila ang braso nito patayo sa sofa. "Akala ko ba gusto mo makilala ang pamilya ko? Then let's go. Madami pa akong aasikasuhin pagkatapos." Napansin kong nagliwanag ang ekspresiyon nito at masayang tumango. Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin palabas ng bahay.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon