TFL: 03

1.4K 89 25
                                    

Theodore Paez-Brievo


Hapon na rin nang magising ako. Hindi ko na nga nagawang mag lunch gawa na rin ng sobrang pagod at hapdi ng mata ko kaya ako nakatulog. Hindi ko na inabalang mag ayos ng sarili ko. Bumaba na lang ako para kumain dahil sa gutom.

As usual, wala na naman si Uno. Baka may dinner date sila ng Crystal niya. Sana all crystal para importante at pinapahalagahan. Mapait akong napatawa habang pinapapak ang prutas na binili ni Louie para sa akin. Ang saya naman, happy silang nag didinner na dalawa tapos ako mag isa lang dito.

Ay teka... hindi pala ako nag iisa! Kasama ko nga pala si Uno liit na nanginginabang nitong kinakain ko ngayon.

Napahimas ako sa tiyan ko at napangiti "Hay nako anak, wag mo masyadong pahihirapan si mama ha? Dalawa na lang tayo kaya kailangan, laging malakas si mama para maalagaan kita ng maayos."

Pakiramdam ko nakikiayon sa akin si baby, medyo gumagaan na yung pakiramdam ko.

Hinugasan ko na lahat ng ginamit ko bago ako umakyat sa taas. Plano kong mag impake ngayon palang. Pipirmahan ko na yung divorce paper mamaya para aalis na lang ako pag gusto at kailangan ko na. Kinuha ko yung malaking maleta na nasa storage room, gusto kong mag dala ng ilang pictures namin kaso alam kong mahihirapan lang akong kumawala kung nakikita ko parin yung dating kami.

Kinuha ko lahat ng picture namin na nasa kwarto at sala tsaka idinala sa storage room at doon ko inilagay sa loob ng drawer para hindi maalikabukan. Napatingin ako sa wedding picture namin ni Uno na hindi na natatakpan nung inilagay kong tela. Nasa lapag na ito at kitang kita ang kabuuan ng litrato.

"Nahulog siguro..." Inayos ko ulit ang pag kakatakip. Hinalikan ko ulit ang picture bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Kinuha ko lahat ng damit ko sa kwarto namin ni Uno. Isinilid ko ng maayos sa maleta. "Baliw ka na Theo. Pati ba naman closet iiyakan mo?" Natatawa na lang ako sa sarili ko habang umiiyak. Kinuha ko na din doon sa maliit na drawer yung papeles na pipirmahan ko. Umupo ako sa study table at doon binasa lahat ng nakalagay sa kontrata.

"Dati marriage certificate lang pinirmahan ko, ngayon divorce paper na. Papel ang bumuo sa amin, papel din pala ang sisira." Hindi ko na nagawang umiyak sa sobrang pagod. Sa buong pagsasama namin ni Uno, mas lamang ang paghihirap ko. Siguro kailangan ko na din talagang magpahinga at lumayo mula sa pasakit na 'to.

Hindi ko muna ibibigay sa kanya, ipagpapabukas ko na lang para naman hindi ako lugi. Dapat nga sa isang araw pa pero mukhang hindi ko na kakayaning makasama pa sa ganitong sitwasyon si Uno.

Dinala ko na lahat ng gamit ko sa guest room at inaayos doon. Itinago ko muna sa isang folder yung divorce paper para hindi malukot at madumihan. Ayokong maudlot pa 'tong paghihiwalay namin. Ayaw pa ng puso kong bumitaw pero hindi na kaya ng utak ko isipin lahat ng problema sa pagitan naming dalawa. Hindi sa lahat ng oras, superior ang puso mo. Magmahal at mag patawad lang naman ang ginagawa niyan, kailangan mo ring gamitin ang utak mo para maisip ang mga consequences bago ka pa sumugal.

Utak ko muna ang pagaganahin ko ngayon dahil hindi na lang sarili ko ang pinoprotektahan ko ngayon. Dalawa na kami ng anak ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pag nakaalis na ako dito. Tatawagan ko na lang siguro yung kababata ko sa probinsya para humingi ng tulong.

Dinial ko na ang number niya, salamat na lang kasi hindi ko pa nakakalimutan. Malas na lang kung nag palit na siya ng number. Mag iisang taon na rin yata simula nung binigay niya 'tong number niya.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon