TFL: 04

1.5K 79 27
                                    

Theodore Paez-Brievo

Ikinuwento ko ang mga nangyari kay Lewis. Gusto niyang sugudin si Uno pero pinigilan ko siya dahil wala na rin namang namamagitan sa amin. Kahit ano pang pangogonsensiya mo kay Uno, hindi tatablan yun. Once na ginawa o sinabi niya, final na lahat. Hindi ka na makakatanggi o reklamo.

"E paano kayo ng inaanak ko?" Alam niya na rin ang tungkol sa pag bubuntis ko. Akala ko magagalit siya, mas naging excited pa nga siya kaysa sa akin. Clinaim niya na ang pagiging ninang.

"Edi kaming dalawa na lang. Ako ang magtutustos sa kaniya. Nandyan din naman kayo ni Louie para tulungan ako, diba?"

"Syempre naman. Sana pala si Louie na lang 'yung sinagot mo noon, 'no? Kita mo naman, kahit pinagtabuyan ka na ng mundo mo, nandyaan parin siya para sayo. Masyado ka kasing nagpabulag sa sawa ni Uno." Bastos talaga ng bibig nito eh.

"Mukha ba akong mahilig sa etits? Tsaka alam mo namang hindi ganun si Uno dati. Masaya pa kami noon. Mahal niya pa ako noon." Pabulong ko na lang sinabi yung huli. Ang sakit kasing marinig na noon niya lang ako minahal. "Hoy! Iiyak ka na naman! Makakasama sa inyo ng inaanak ko yan. Kalimutan mo na kasi ang lalakin 'yon. Diba nga kaya ka nandito para magsimula at kalimutan siya?"

Hindi ko yata kakayanin kung wala si Lewis at Louie. Buti na lang nandyaan sila para samahan at pagaanin ang loob ko.

"Next week ang sunod na check up mo diba? Meron akong alam na OBgyne clinic na pinagpatingnan ko dati." Pinagpatingnan? Bakit naman sa OBgyne siya nagpatingin?  Hindi kaya...

"Tumpak bakla. Wag mo na tanungin. Basta ipapaconsult din kita kay doktora, okay? Maalaga yun, magiging healthy kayo ni baby." Nakatingin lang ako sa kanya at gulat sa nalaman ko. Napaka rare ng katulad naming carriers pero dalawa na ang naencounter ko. Si Mikhail at Lewis.

"Bakit parang late mo na nalaman? Diba dapat around twelve years old alam mo na?"

"Actually noon palang duda na ako, ayoko lang pangunahan ang sarili ko. Tsaka alam mo namang isang kahig isang tuka ako diba? Hindi ko na iniisip pang gastusan ang sarili ko para may pang tustos ako rito sa bahay. Nabahala lang ako noon kasi kahit anong pag tatrabaho ko hindi man lang ako tinutubuan ng malalaking muscle o abs." Pinakita niya pa ang maputi at flat niyang tiyan. Pati ang mga braso ay inilahad niya. "Kahit nga ugat-ugat wala e, nanatili akong feminine kahit puro pagbubuhat ang ginagawa ko sa trabaho." Totoo yun, lamang lang siya ng kaonting laman sa akin pero kung ikukumpara mo sa katawan ng lalaki, hindi kami qualified. Mayroon kaming katawan ng isang babae, dibdib at vajayjay lang ang wala.

"Ayun nagpacheck up na ako para mabigyang sagot yung pagdududa ko noon."

Kung titignan si Lewis, hindi mo masasabing lalaki kasi napaka feminine ng mukha at katawan niya. Samantalang puro trabaho ang inaatupag. Isa 'to sa katangian ng mga carriers, ang pagkakaroon ng feminine at flawless na katawan. Natural sa amin ang pagiging maputi.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon