TFL: 01

1.6K 74 16
                                    

Theodore Paez-Brievo

He's wearing his famous cold look which is alam mong isang Uno Brievo kaagad pag nakita mo ito. Kasama namin si Louie dito sa sala dahil siya ang naghatid nitong divorce paper.

Tipid na ngiti lang ang ibinigay namin sa isa't isa bago itinuon ang atensyon sa papel na nasa harapan namin. "P-pwede ba akong mag request?"

Tanong ko kay Uno na nakatitig lang sa akin. Hindi siya nagsalita at hinintay lang ang sasabihin ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Bigyan mo ako ng two weeks para mapag isipan 'to. Kahit dalawang linggo lang, Uno." Gusto ko lang mag reminisce bago ako umalis. Gusto ko lang sulitin yung presensya niya.

His eyebrows furrowed. "Two weeks? Ano ba ang hindi malinaw sayo para magtagal pa dito? Kailangan mo ba ng pera? Alahas? Sabihin mo at ibibigay ko para makaalis ka na!" Singhal niya sa akin.

Ganito niya ba kagustong mawala ako sa buhay niya?

"Uno... alam mong hindi ako ganyan. Sa buong pagsasama ba natin humingi ako ng mga ganyang bagay sayo? Diba hindi? Oras at atensyon mo lang naman ang gusto ko." Nakangiti lang ako sa kanya nang sabihin ko yun. Tumayo naman si Louie at nagpaalam sa amin na lalabas muna.

"Then what?! Kating-kati na akong kaladkarin ka palabas kaya wag mo ng hintaying gawin ko, Paez." Paez? Haha. Ibang tao na talaga tingin niya sa akin.

"Please? Pagkatapos ng dalawang linggo, hindi mo na ako makikita. Kahit anino o presensya ko hindi mo na mararamdaman. Wag kang mag alala, wala akong kukuhanin dito sa bahay natin, mga damit ko lang. Para naman hindi kayo mahirapan ng mapapangasawa mo sa pag pundar ng mga bagay. Just give me two weeks then after that, pipirmahan ko na yan at aalis na ako." I'm hopeless, alam ko namang wala na. Ayaw lang mag sink in sa akin ng mga sinabi niya, ayaw pang kumawala ng puso ko.

Alam kong galit na siya dahil sa pamumula ng mukha at leeg niya. He suppresses his anger. Bigla niyang hinampas ang lamesa dahilan para mapaigtad ako sa takot.

"Two weeks, Paez. Two weeks. Pagtapos ng dalawang linggo, wag na wag kang magpapakita sa akin at baka mabasag ko yang pag mumukha mo. Iiwanan ko sayo yang kontrata, pirmahan mo pag aalis ka na." Tumayo siya at lumabas na ng bahay. Naiwan ako dito sa sala habang nakatitig sa divorce papers na nasa lamesa. Nanginginig ang kamay kong kinuha ito.

Heto na naman, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Ilang taon na akong ganito pero bakit hindi parin ako sanay? Kahit simpleng kilos niya, iniiyakan ko. Pag naiisip ko itong nangyayari sa amin, umiiyak ako. Hindi ba dapat sanay na ako? Ang sakit sakit padin.

Inilapag ko na lang ulit ito sa lamesa para hindi mabasa ng luha ko. Napahalik na lang ako sa wedding ring na suot ko at nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagod na ako. Pagod na pagod na pero pag nakikita ko siya, nawawala kaagad yun. Samantalang ako, basura at pahirap na lang sa paningin niya.

Isinubsob ko sa unan ang mukha ko at doon umiyak ng malakas. Nakatulog na lang ako sa sobrang pagka drain.

Nagising ako nang may maramdaman akong kamay na marahang humahaplos sa ulo ko. Napabalikwas ako ng bangon para makita kung sino yun. Napangiti ako sa kanya na sinuklian niya din ng ngiti.

TBT1: The Forgotten Love [MPREG] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon