Selfie

58 4 9
                                    

Paglabas ni Aries sa CR, napansin niya na wala masyadong customer. Iilan lang ang nakaupo sa dining area. Isang customer na naglalaptop. Isang nursing student na ang daming libro sa table at magjowa na lumamig na ang iniinom na kape dahil panay selfie. Nakailang shots na sila ah, wala pa ring makuhang magandang angle?

Siguro dahil biglang umulan kaya walang customer. Okay na rin yun, kasi nitong mga nakaraang araw, masyadong maalinsangan. Sinilip niya ang tatlong barista sa floor. Ayos naman ang deployment at ginagawang busy ang mga sarili, naghahanap ng gagawin dahil wala masyadong tao sa store.

Pumasok na siya sa backoffice. Nadatnan niya si Mona, nagcecellphone. kinamusta niya ito.

Aries : Mona, nandito ka pa pala? Akala ko nakauwi ka na. Kamusta? (Concern nito)

Mona : Aries!! Hays, nakakainis. Di ako makagetover. (Medyo frustrated siya sa mga nababasa sa groupchat ng mga managers)

Aries : Bakit? Dahil ba sa audit ni Leo? (Hinila niya ang office chair na bakante at tumabi kay Mona)

Mona : Nakakahiya talaga. Epal tong si Star sa GC namin masyadong pabibo eh. Nagchat ba naman na "Mona, bakit 68% score niyo sa Marketing Audit?" Impaktita talaga. (Sabay off ng cellphone dahil naiinis na sa mga nababasa)

Aries : Nagpapasikat ba yun sa Operations Manager niyo? Dapat nag PM muna sayo kesa mag chat dun sa GC. Nabasa tuloy ng lahat ng managers. (Naawa siya kay Mona)

Mona : Bwisit siya. Plastic talaga nun. No wonder lagi siya nachichismis sa District. (Sabay buntong hininga)

Chismis lang naman yung kay Star na may jowa itong bagets. Hindi pa naman confirm. Char.

Sa GC kasi nila Mona. 9 silang members. Walong managers at 1 Operations Manager (OM). Nagbigay kasi ng goals or target na dapat ma-achieve ng bawat store ang OM nila. Kapag na hit nila ang target na score sa mga audits, isa na rito ang marketing, meron silang store bonus. Kaya medyo competitive ang mga managers. Siempre bonus na yon, aayawan mo pa ba?

Mona : Wala akong hard feelings kay Leo. Ginawa niya lang ang trabaho niya. Hindi sa wala akong tiwala sayo Aries ha, pero dapat pala nag check din ako , para sure na perfect ang score natin. At least diba? Tayong dalawa na ang tumingin. Masyado ako naging kampante. (Down na down na si Mona)

Aries : Mona, I swear sobrang confident ko kanina sa shift meeting natin na makukuha natin yung perfect score. Di ko lang siguro na meet yung standards ni Leo. Sa paningin ko okay pala, sa kanya hindi pala. (Dinamayan si Mona)

Mona : (Nireview ang score sheet at may napansin siya rito) Tignan mo yung audit ni Leo, minor lang ang nakita niyang mali sa set-up. Malaking bawas yung mga maling sagot ng mga barista mo Aries.

Aries : Oo nga. More on Barista knowledge ang binagsak natin. (Napaisip siya)

Mona : I guess masyado sila naging kampante. Masyado ka kasing magaan sa shift Aries. Minsan ang pagiging mabait hindi rin maganda. Kailangan mo maging fierce sa shift mo kasi bandang huli pag naging at ease sayo ang mga barista mo, hindi ka nila susundin. (Suggest nito)

Aries : So Mona , your implying na gayahin ko si Leo? (Nilinaw niya to)

Mona : Yes! Exactly. (Seryosong napatingin kay Aries)

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon