Chain Reaction (Aries' Letter of Peace)

44 4 11
                                    

Sa Cainta. Apartment ni Mona. 9AM.

Mona : Jerome, padala mo ito sa Cebuana. (Inabot ang pera) Huwag mo babawasan ha. 10k yan para kay Tatay. (Habilin nito bago pumasok)

Si Jerome na nag-aayos ng sarili. Nagtataka si Mona, bihis na bihis kasi ang kapatid niya. Bagong gupit. Yung barber's cut. Tapos yung mga piercings sa katawan, tinanggal.

Mona : Anong meron? Ililibing ka na ba? (Pagtataka nito sa kapatid)

Jerome : Mona, initial interview ko ngayon bilang bagger sa may SM hypermarket. (Maglalagay sana ng cream sa mukha pero pinigilan ni Mona)

Mona : Hoy! Daycream ko yan, bakit mo ginagamit??(kinuha kay Jerome bago buksan)

Jerome : Luh?? Ang damot?!! Ngayon nga lang ako maglalagay niyan buong buhay ko, ipagkakait mo pa? (Pakosensiya nito)

Pero deep inside, masaya si Mona para sa kapatid. Kahit papano nag-eefort na ito na magbagong buhay. Salamat naman, mapapagaan na yung obligasyon niya sa kanyang pamilya kasi matutulungan na siya ni Jerome.

Mona : Konti lang kunin mo ha. Mahal kaya ng Olay. (Inayos ang collar ng kapatid) Galingan mo sa Initial interview mo. Basta ... maging totoo ka lang sa sarili mo. Trust me... kasi manager ako. Nag-iinterview rin ako ng mga aplikante.

Jerome : Salamat Ate! (Nag-smile kay Mona)

Totoo ba ito? First time tawagin ni Jerome na Ate ang nakakatandang kapatid.

Simula kasi ng entrapment operation na yun. Medyo na trauma ang dalawa. Buti na lang yung apo ng matandang customer ni Mona sa coffeeshop na kakapasa lang sa bar exam ay tinulungan silang magkapatid. Kahit papano nalusutan nila ang mabigat na kaso na pinasok nila.

Lahat naman deserve ng second chance eh. Para magbago, para makapagsimula muli.

Jerome : Alis na ko ate. Baka ma-late ako sa call time. (Nasa may pintuan na at nagsuot ng sapatos, yung black shoes na bagong shine gamit ang kiwi)

Mona : Teka! Sabay na tayo. Yung padala ha, huwag mo kalimutan. (Paalala nito sa kapatid)

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa sakayan ng jeep. Ang ganda ng panahon. Ang ganda ng sikat ng araw.

........

Sa bahay ni Aling Virgie. 3PM

Naghahanap ng magandang tyempo na makausap ni Erva si Aling Virgie. Mag cash advance sana siya para may maipadala sa probinsiya. Dami kasi demands ng nanay niya eh. Kesyo pambaon daw ng mga kapatid niya, pambayad sa utang. Wala nang makain. Kumbaga, pakonsensiya ba. Ang hirap nun mabigat sa loob kapag hindi mo naman sinunod ang gusto ng nanay mo.

Sakto wala na yung ibang kasama niyang mga katulong bumalik sa maid's quarter. Lalapitan na niya ang kanyang madam na nasa garden.

Erva : Madam. (Tinawag si Aling Virgie na nakaupo at busy sa kanyang mga halaman)

Aling Virgie : Erva, mamaya mo na ko kausapin. Tapos ka na ba sa paglilinis mo? Yung mga kasama mo nasaan na? (Patuloy pa rin sa pag-aayos ng kanyang halaman pero hindi ito nakatingin kay Erva)

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon