Paket Santiago Funeral Homes. Marcos Hi-Way. 10PM.
Gusto ni Leo na ipa-cremate ang Mama niya pero hindi sumang-ayon ang Ate nito. Mas gusto kasi ng kapatid niya yung maayos na libing, may wake at burial ceremony.
Sa loob ng Funeral homes. Malalapit na kamag-anak nila ang nagpunta both sides sa Mama at Papa nito. Nasa unahan lang si Leo nakaupo, mag-isa. Habang ang kapatid naman niya ay nasa kabilang upuan katabi ang asawa nito.
Star : Leo. (Tinapik niya si Leo na naka shades) My deepest condolences. (Tinabihan niya si Leo at niyakap ng mahigpit) Kamusta ka na? Grabe ang nangyari sayo Leo dumating pa sa point na ito.
Leo : Kinakaya ko pa naman. (Mahinang sagot nito) I don't know. Paano ako magsisimula ulit Star? Hindi ko alam bakit nangyayari lahat ng ito sa akin? Siguro karma ko ito dahil pumatol ako sa may asawa. Sampung beses ang balik sakin. (Tumulo ang luha ni Leo kahit nakashades ay napansin ito ni Star)
Star : No. Don't think that way. Hindi kasalanan ang magmahal Leo, siguro napunta ka lang sa maling tao pero sino bang may gusto diba? Hindi mo naman kasi alam. Don't be hard on yourself Leo, mag focus ka sa mga taong sumusuporta sayo. Hindi ka nag-iisa (tinignan ni Star ang mga tao sa paligid nila). Yung mental health mo, huwag ka masyado nag-iisip, okay?
Leo : Thank you Star for being there for me. (Mahinang sagot nito)
Star : Of course, hindi mo lang ako manager, kaibigan mo rin ako Leo. Tahan na. (Hinimas-himas ang likod nito)
Iniba muna ni Star ang topic para naman ma-encourage si Leo.
Star : By the way ... yung request mo na huwag ng pumasok until your last day of work upon filing your recognition ay approved na ng Operations Manager. Si Tao na muna papalit sa position mo. Maya-maya ay pupunta sila Tao dito after ng shift nila kaso madaling araw pa yun eh, pang-umaga ako now kaya nakadaan ako rito. Okay lang ba Leo na nasabi ko sa kanila yung nangyari sayo? (Paalam nito)
Leo : Okay lang yun Star. Thank you for protecting my privacy pero walang problema sakin. (Pagtugon nito sa manager)
Star : Buti naman kung ganon. Actually, hinihintay ko si Tao na magbanggit kila Rey, kaso parang wala yata siya balak sabihin, mukhang takot sayo. Heheh. (Pinilit mag biro para gumaan naman ang ambiance, hindi naman na nag-react si Leo) Ahm... mauna na ko ha. (Tumayo na ito)
Leo : Teka, saglit ka lang talaga? Hatid na kita. (Pinigilan niya si Star)
Star : Huwag na. Umupo ka lang diyan. Try mo umidlip kahit sandali. May mga pupunta pa mamaya na bisita mo. Need mo makabawi ng lakas. (Payo nito) Mauna na ko ha. Wala kasi maiiwan dun sa anak ko sa bahay. Pinilit ko talaga dumaan rito for you.
Sinunod naman ni Leo ang payo ni Star. Sinubukan niyang umidlip sa pagkakaupo. Napansin ni Star ang kapatid ni Leo sa kabilang upuan. Nilapitan niya ito.
Star : Hi po. Ako po yung manager ni Leo. Si Star po. Nakikiramay po ako sa family niyo. (Tumango ito bilang pagbati sa kapatid ni Leo)
Ate ni Leo : Salamat. Aalis ka na ba? Teka lang, magkape ka muna. May pagkain dun (tinuro ang mesa na may handang goto, tokwa, pancit bihon, tinapay at kape na pwedeng timplahin)
BINABASA MO ANG
Coffee and Him
RomanceThis is based on a true story of four guys with different personalities. Each one of them has a secret that will greatly affect their lives. The question is ... for how long are they going to keep it? What will they choose? Is it career over love...