Resentment

39 2 4
                                    

Sa Jupiter Mall.

Kung saan nagtatrabaho si Carina bilang saleslady. Pinayagan na siya ni Aries na mag-trabaho kasi kailangan na nila mag-ipon. Lumalaki na ang dalawa nilang anak. Plano na rin nilang bumukod ng sarili nilang bahay. Iba pa rin kasi yung matatawag mo na sayo.

Pero kung bakit inis na inis si Carina at dahil nakuha pa ni Aries na maglandi. Alam naman niyang marami na siyang responsibilidad. Kahit na hindi bilang asawa eh, kundi sa dalawa nilang anak.

Natatakot si Carina, paano kapag natuklasan ito ng kanyang ina? Ang panggagago sa kanya ni Aries. Hanggat maari ay itatago niya ito, ayaw niyang mastress ang kanyang nanay. Matanda na ito. Pero hanggang kelan niya pagtatakpan si Aries? Mga katanungan ni Carina na hindi niya masagot.

Saleslady : Sis, galaw-galaw. Kanina ka pa diyan tulala? Aba! Bilisan mong kumain saglit lang break natin noh. (Kasabay ni Carina kumain sa canteen na exclusive lang for mall employee)

Carina : Sensiya na sis, iniisip ko lang kasi asawa ko. (Unang subo niya, sarap pa naman ng ulam niya kare-kare)

Saleslady : Sis, malaki na asawa mo. Ano ba problema? (Alam nito ang lihim na pagkatao ni Aries. Dito kasi madalas magkwento si Carina kapag may problema silang mag-asawa)

Carina : Naguguluhan na kasi ako sa set-up namin ni Aries. Ano bang dapat kong gawin sis? (Napainom ng tubig, mukhang nawalan ng gana kumain)

Saleslady : Diba sabe mo sakin last time nagchat ka dun sa kabit? Ano nangyare? (Usisa nito)

Carina : Sis, hinaan mo lang boses mo. Alam mo naman maraming chismosa sa paligid. (Tumingin sa ibang katrabaho na nasa kabilang table sa canteen) Nagchat ako kaso ang reply lang sakin sorry. Tapos bigla ako blinock.

Saleslady : Baka naman kasi tinakot mo sis? Iba na ang panahon ngayon. Palaban na rin ang mga kabit. Dapat sa kanila kinakaibigan, para naman updated ka sa mga nangyayare diba? Sabe nga "keep your friends close, and your enemies closer. " (Taray naman, may pag-english)

Carina : Ayon na nga sis. Ginawa ko naman na mapalapit sa kabit para updated ba. Kaso si Aries .... huwag ko daw pasukin ang mundo ni Leo. Buti nga ito si Aries eh, nag-oopen up pa rin sakin tungkol sa kanila, kahit papano may ideya ako diba? (Explain nito)

Saleslady: Kaloka naman yan. Eto, (inabot ang cellphone niya kay Carina) Tignan ko nga profile, naintriga talaga ako sa itsura ng kabit na yan, at bakit patay na patay si Aries.

Tinype ni Carina ang full name ni Leo sa facebook (Leo Salmonte) at inabot sa kanyang kaibigan.

Carina : Huwag mo masyado ipakita cellphone mo. (Babala niya sa kaibigan, panay tingin kasi sa kanila ng grupo ng mga saleslady sa kabilang table)

Saleslady : Sis, ang pogi naman ng boyfriend ng asawa mo. (Nagpigil kasi muntik ng tumaas ang boses) Kaloka girl, ang dami ng gwapong bakla ngayon, mga natitira satin mga chakang straight. (Realtalk niya sa kaibigan)

Carina : Nung di pa kami ni Aries, may mga crush naman yan pero hindi dumating sa point na jinowa o nagsama sila. Tamang sulyap lang ba .... kasi conservative din family niya. (Kwento nito)

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon