Fulfillment
Three Months Later.
Sa Bahay ng Mama ni Leo.📲Leo : Oo. Dadaan ako dun. (Kausap ang kapatid sa cellphone at nakatambay sa may garahe habang pinagmamasdan ang katulong na nagdidilig ng halaman).
📲Ate ni Leo : Puntahan mo na yung paupahan mo dun. Siguraduhin mo na sisilip ka dun kasi nasira daw yung doorknob ng pinto sabi ng isa mong renter. (Paalala nito sa kapatid)
📲Leo : Paulit-ulit na lang. Dadaan nga ako. May lalakarin din kasi ako ngayon. Bakit hindi na lang irekta sabihin sakin? Pinadaan pa sayo. (Reklamo nito pero di naman galit)
📲Ate ni Leo : Eh siyempre, naiilang sayo. Nahihiya makipagusap, parang ang strikto mo raw na landlord. Sige, may pupuntahan lang kaming site ng asawa ko. (Binaba na ang tawag at pinagmasdan ang asawa na nagda-drive)
May mga naiwan naman ang Mama ni Leo sa magkapatid. Napunta kay Leo ang tatlong pintong paupahan. Sa Ate naman niya ay isang Salon na napundar ng Mama nila nung nag-work ito sa abroad. Umuwi na rin ng bahay si Leo kesa naman walang tumao. Sayang din kasi.
Leo : Sa tingin mo... Bakit nagho-holdback tayo na magmahal muli? (Tanong nito sa katulong)
Katulong : (Sige lang sa pagdilig, hindi yata narinig, napalingon na lang siya ng umubo si Leo) Ha? Ako ba kausap mo? Akala ko yung kapatid mo. (Binitawan ang hose at pinatay ang gripo) Holdback? Ano ba tagalog nun? (Nag-isip) Yan ba yung parang may pumipigil sayo na magmahal muli?
Tumango si Leo bilang pag sang-ayon.
Katulong : Dahil siguro walang maayos na closure sa nakaraan. Para sakin ha ... importante pa rin ang communication with your past. (Taray ng katulong, lakas maka- english. Nilapitan niya si Leo na nakaupo, nag-iisip)
Wala naman ideya ang Katulong sa nakaraan ni Leo. Ginawa niya lang itong halimbawa.
Katulong : Ikaw? Natatakot ka ba na bigla kang ma-fall ulit sa kanya kapag nagkita kayo? Sa tingin ko malabong mangyari yung ganon. Bakit? Kasi nakatanim na sa isip mo yung hindi magandang experiences with your past. Unless, tanga ka diba at gusto mong ulitin yung nangyari sayo dati. (Paliwanag nito, binuksan ang gripo at nag-ipon ng tubig sa timba para maglinis naman ng sasakyan)
Leo : Salamat ha. (Tumayo na ito para pumasok sa loob ng bahay) Hindi ko inexpect na masasagot mo ang tanong ko.
........
Achievement
Sa Zodiac Coffee Shop, Galaxy Mall Branch.
Hindi na rin ginulo ni Rylie si Star. Tahimik na ang buhay ng malibog na manager. Nag-focus na lang siya sa anak at sa career niya. Tama lang yon, nabawasan ang burden niya sa buhay. Natigil na rin ang mga chismis sa kanya.
Nakatanggap ng tawag si Star mula sa kanyang Operations Manager.
Operations Manager : Hello Star! Congratulations for being the Store Manager of the Year. Thank you so much for your help and efforts. You really deserve it. Manlibre ka naman. (Bati nito kay Star) Hello? Nandyan ka pa? (Binobosesan si Star kasi hindi na ito sumagot sa kabilang linya)
BINABASA MO ANG
Coffee and Him
RomanceThis is based on a true story of four guys with different personalities. Each one of them has a secret that will greatly affect their lives. The question is ... for how long are they going to keep it? What will they choose? Is it career over love...