Overnight

72 3 2
                                    

Akay-akay na ni Darius ang lasing na si Leo pasakay ng kotse ng biglang.

Grab driver : Ah sir? Nakainom po ba kasama niyo? Pasensiya na Sir, i-cancel ko na yung ride. Bago lang kasi yung sasakyan ko, ayokong mangamoy alak. Sige.

Hindi na nakareact si Darius at sinara na lang ang car door.

Darius : Damn! Seriously biglang ikacancel? Humanda ka sa rating ko manong Grab driver? Ayaw mo naman palang madumihan sasakyan mo eh di sana tinambay mo na lang sa bahay mo. (Nagsasalitang mag -isa si Darius habang akay si Leo sa gilid ng kalsada)

Hindi alam ni Darius na sinundan pala sila ng tingin ni Aries at Rey.

Rey : Tignan mo yung dalawang yun, diba pasakay na yon? Anong nagyare don?

Aries : I guess they need some help. Rey, diba may kasalanan ka sakin? Pwes ito na pagkakataon mong makabawi.

Na gets na ni Rey kung anong ibig sabihin ni Aries. This time tama na siya at ayaw na niyang magkamali. Yun kasi ang problema niya, lack of common sense.

Simple lang ang car ni Rey, Toyota Vios na Red. Gift sa kanya ng father niya nung naka graduate siya ng college. Although, bihira lang niya itong gamitin kasi wala pa naman siyang stable job at mahal ang gas mas preffered niyang mag commute. Ewan nga niya bakit naisipan niyang gamitin ang car today, siguro ito na ang purpose.

Gwapo si Rey. Tipikal na pinoy looks. Moreno. Barbers cut. Nakabraces. Straight daw siya sabe niya, pero nakukyutan din siya sa mga lalake. Di niya maexplain kung bakit, basta pag malakas ang dating bet na niya. To be honest, crush niya si Aries, pero hindi sa physical ha, dahil sa personality nito na masayahin kaya nga sobrang affected siya nung nagkaroon ng issue si Aries. Hindi rin siya mapalagay.

Aries : Rey, kaw na lang pumunta sa parking at kakausapin ko yung dalawa. Parada ka na lang sa tapat namin ha. Alam mo naman sobrang hirap makasakay ngayon, rush hour at napakatraffic sa Marcos Hi-Way.

Dali - daling nilapitan ni Aries ang dalawa. Hindi na niya inisip kung ano ba ang tamang approach basta ang nasa isip niya ay kung paano makatulong.

Aries : Hi! I am Aries and that guy na akay akay mo is you know, ka work ko. Ahm, ganito same company but ibang branch pero magkakilala kami. I mean nagmeet pa lang kami once pero..... (nalilito kung paano siya magpapakilala kay Darius na first time niya rin ma meet)

Darius : So, ikaw si Aries? I see. Ako si Darius, bestfriend ni Leo. No need na magpakilala ka kasi kita ko naman sa logo ng uniform mo na same company kayo. Paglapit mo palang yun na agad naisip ko. (Medyo tipsy na rin si Darius pero pinipilit niya lang gawa ng mas lasing pa ung kasama niya)

Aries : Oh? so naikwento pala ako ni Leo sayo? (Napaisip na naman siya. Anong ibig sabihin niya na ako si Aries? So kilala na niya ko? Bestfriend ba talaga siya ni Leo o boyfriend ni Leo? Bakit ba ko affected? Teka!)

Aries : Ahm, you know what? I guess this is not the right time na magkwentuhan tayo with your situation. I can ride you home? Mukhang nahirapan kayo makasakay.

Darius : Aries salamat. Mukha ka namang mabait eh, ewan ko ba dito kay Leo at bakit sobrang init ng dugo sayo. (Ayan na si Darius nag uumpisa na. Iba talaga ang tao pag nakakainom ng alak kung ano - ano na sinasabi.)

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon