Acceptance and Forgiveness (Rey's Conclusion)

42 4 5
                                    

Sa Police Station. Marikina Riverbanks.

Carina : Ano ba naman Aries? Puro sakit ng ulo binibigay mo sakin. (Umaangal na kay Aries na nakakulong)

Aries : (Tumayo mula sa loob ng kulungan, hinawakan ang magkabilang rehas) Hayaan mo na. Di ko kayang kontrolin itong emosyon ko.

Carina : (Tumingin sa paligid ng presinto) Anong gagawin ko Aries? Paano kita papyansihan? Kakasuhan ka yata ng mall for public scandal. Saan ako kukuha ng 50k pang piyansa?

Aries : Bawas ka muna dun sa savings natin? (Suggest nito)

Carina : Ha? Ayos ka lang ba? Budget sa school ng mga anak natin. Pangkain sa araw-araw. Bills. Ganon ba kadali mag-luwal ng pera? Palibhasa kasi di ikaw nag ba-budget eh. (Mahinang sagot nito, nahiya siya baka marinig ng pulis na nakaupo sa may front desk)

Aries : Eh... di hayaan mo na muna ako rito? (Sagot nito)

Carina : Hayaan? Okay ka lang ba? Sino una mong kinontak ng makulong ka? Hindi ba ako? Kung wala akong pakialam sayo, hindi na ko pumunta rito. (Naiinis siya sa sinapit ng asawa, wala siya magawa)

Napaiyak na lang si Aries.

Aries : Mahal na mahal ko siya Carina. Huhuhuhu....... Hindi ko na alam gagawin ko kapag tuluyan na siyang nawala. (Sambit nito)

Carina : Pinapili na natin siya diba? Hindi ikaw ang pinili niya Aries. Tanggapin mo na yun. Magfocus ka na lang sa pamilya mo. Kahit hindi na sakin, sa mga anak mo na lang. (Kinuha ang panyo na nasa bag at pinunasan ang mukha ni Aries)

Lumapit kay Carina ang Pulis na nakaupo sa may front desk.

Pulis : Mam? Cut-off na ng visiting hours. Bukas ka na lang bumalik. (Paalala nito)

Carina : Ah sige po sir. Bibili lang ako sa may 7-11 pangkain niya sana. Okay lang ba abot ko lang... tapos alis na rin ako? (Pakiusap nito)

Pulis : Sige Mam. Pakibilisan na lang. Baka masilip din ako eh. (Tinuro ang CCTV kay Carina)

Bumalik na ang pulis at nagbigay ng habilin si Aries kay Carina.

Aries : Pa-inform na lang dun sa store na hindi ako makakapsok ha. (Pinahid ang patulo ng sipon gamit ang kanyang suot na red-tshirt)

Carina : Sige. Tatawag ako dun. Sino ba manager dun? Mona ba yun? (Tanong nito)

Aries : Oo. Ikaw na lang bahala mag-dahilan. (Hinawakan sa kamay si Carina) Salamat, hindi ka bumitaw.

Carina : (Medyo nangilid ang luha pero pinipigilan niya) Siyempre, asawa kita. Pinanghahawakan ko yung sinumpaan natin sa altar. Sa hirap at ginhawa. Huwag ka na umiyak. Lahat ng pag- iintindi ko, ginawa ko na Aries. Tigilan mo na si Leo. Masakit na katotohanan pero hindi ka na niya mahal.

Aries : Pipilitin ko Carina. Sige na umuwi ka na. (Utos nito)

Carina : Isasama ko rito bukas si Nanay. Maaga kami ha. Ayan... manghihiram na naman ako ng pera sa kanya. Aries, last na to, di ko na alam gagawin ko kapag may ginawa ka pa. Babalik ako ha, bili lang ako pagkain mo. (Nagpaalam na ito at nag last look kay Aries)

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon