Preposterous Wish

57 4 4
                                    

8 AM. Sa bahay ni Aries.

Isang malakas na alert tone mula sa cellphone ni Aries. Naalimpungatan mula sa mahimbing na tulog. Inabot ang cellphone sa sidetable na magdamag naka-charge. Tinignan ang message sa alert tone.

📝Leo's Birthday. 🥳 🎂 🎈

Nagpaday-off si Aries ngayon dahil need niya mag set-up dun sa hotel room para sa surprise niya kay Leo.

Bago bumangon ay nag-chat ito kay Leo. Kaso hindi active si Leo. Mukhang tulog pa ata. Nakita niya kasi "Active 10hrs ago."

📱...typing a message

Aries : Happy Birthday! Poby!!! Good morning! See you later!!!!! (Habang pumupungay pa)

Poby short for Poging Baby. Since ayaw ni Leo na tinatawag siya na baby. Nag-isip ng ibang endearment si Aries para kay Leo.

After niya magchat kay Leo, ay bumangon na ito sa pagkakahiga. Inayos ang kama. Tinignan niya ang mga pinamili na gagamitin niya mamaya para sa set-up ng room sa hotel. Sinigurado niya na wala siyang makakalimutan para nga naman hindi hassle.

Naamoy na ni Aries ang nilulutong almusal mula sa kusina. Bumaba na ito para kumain.

........

Sa Apartment ni Leo.

Si Darius naman ay opening shift. 9AM ang time-in niya pero pumasok siya ng 7AM para makapag-bake ng cake for Leo. Kumpleto din kasi sa gamit dun sa kusina ng restaurant kaya hindi na rin siya mahihirapan.

Kinausap na rin ni Darius si Ate Ces na magluto para sa handa ni Leo.

Bago ang birthday ni Leo ay nakisuyo siya kay Rey (No choice siya kung hindi i-chat si Rey sa Facebook) na sabihan ang mga ka-work nito na ininvite ni Leo. Magsuot ng semi-formal or outfit na magrereflect sa kanilang personality, that's for Leo's birthday concept.

Ang perang 50k na regalo ng Mama at Ate ni Leo ay inabot niya kay Darius. Bilang bestfriend ni Leo, siya ang nag-asikaso lahat. Sa venue, foods at concept.

Gusto niya na maging special naman ito kahit papano kasi hindi makakapunta ang Ate at Mama niya at first time din ito ni Leo na hindi sila kasama sa birthday.

........

Nagising si Leo ng 11AM. Una niyang tinignan ang kanyang cellphone. Pagka-open niya ng data. Sunod-sunod na notifications from Facebook, chat messages, I-messages. Puro birthday greetings ito. Hirap siyang replyan isa-isa pero priority niya ang mga special na tao sa buhay niya.

📱...typing a message

Leo: Salamat Rey, punta kayo ni Mona mamaya ah. 8PM sa Neptune bar. (Una niyang nakita chat ni Rey at inisa-isa na niyang replyan mga taong malalapit sa kanya)

📱..... Thanks Star. See you later!

📱.... Thanks Tao, isabay mo si Jam at si Macy kung pwede sila.

📱.... Thanks Erva, kung wala ka lang duty diyan sa tapsihan, daan ka sa Neptune Bar. Paalam ka kaya kay Aling Virgie?

Hindi na niya mareplyan ang iba, walang message ang Mama at Ate ni Leo. Sabe nga naman ng kapatid niya nung nakaraan busy sila this week kaya naintindihan niya.

Coffee and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon