Isang malakas na katok sa gate. Umaga, maririnig mo ang tilaok ng manok ng kapitbahay. May sumisigaw ng taho. May ilang mga nanay na nakatambay sa tindahan at ang aga na nagchichismisan. Pero nangingibabaw talaga ang kalampag ng mga kamay sa gate. Si Aling Virgie ang landlady sa inuupahan ni Leo.
Aling Virgie : Leo! Leo! (Kumikinang ang mga gintong accessories sa katawan ng landlady)
Naalimpungatan si Leo. Inabot ang cellphone na nakacharge sa gilid.
Leo : Sh*t! Bakit di ka nag alarm. Alas siyete na pala. Ayoko pa naman nagmamadali mag prepare para sa trabaho. (Napabangon bigla sa higaan)
9 AM ang shift ngayon ni Leo. Madalas na gumigising siya ng 6 AM o kaya may 2 hours interval bago ang duty niya sa work.
Aling Virgie : Leo! Ano ba tong batang to kanina pa ko kumakatok?! (Medyo naiilang na kasi alam niya maraming matang nakamasid sa paligid)
Leo : (Napalingon sa bandang pintuan) Teka lang Aling Virgie magbibihis lang ako!
Dinampot ni Leo ang pinag gamitang blue T-shirt sa sahig. Sabay napatingin sa kanyang boxer shorts na bakat na bakat si Junjun. Napaisip siya na kailangan niyang magsuot ng shorts at baka mapansin pa ito ni Aling Virgie.
Isang tipikal na pinoy si Leo. Katamtaman ang height nasa 5'7. Fair skin. Average built. Makapal ang itim na buhok na binagayan pa ng faded haircut. May dimples at may tattoo sa kanang braso.
Binuksan ni Leo ang kinakalawang na gate. Inalok niya na tumuloy si Aling Virgie pero tumanggi ito.
Leo : Pasensiya na Aling Virgie kagigising ko lang. Ang aga aga nag-iingay ka diyan sa labas. Sige ka... baka talakan ka ng mga kaptibahay. Alam mo naman dami chismosa diyan sa palagid baka pag fiesta-han ka. Hahaha!
Maririnig ang mga kahol ng mga aspin sa paligid. Ang mga taong naglalakad at nagmamadaling pumasok sa school at sa trabaho sa kalye.
Aling Virgie : Nako tigilan nila ako. Alam ko lahat ng mga baho niyan. 30 years na ko sa baranggay na to kaya wag silang mag matapang. (Sabay irap sa mga kapitbahay na nakasilip sa bintana). Teka nga! Kaya pala ako kumatok sayo ng ganito kaaga kasi may out of town kami mag asawa baka mawala kami ng 3 weeks.
Leo : Oh Wow! ayos yan ha. Ano ba yan? Business ba yan? Ang yaman niyo na ah ... dami niyo na paupahan tapos may pwesto pa kayong tapsihan diyan sa may kanto. Sana all. (Parang gusto ng matapos ni Leo ang kanilang pag uusap pero no choice siya kundi kausapin si Aling Virgie)
Aling Virgie : Hahaha! Hindi. Alam mo na "Honeymoon" daw sabe ng asawa ko. Kaya medyo kinilig ako. (Sabay pout ng lips sa harap ni Leo)
Leo : Wow! Kakaiba ka talaga Aling Virgie may asim pa!!! (Medyo awkward na ang sistwasyon, buti nag change topic agad si Aling Virgie)
Aling Virgie : Wag mo nga ako dinadaan sa kwento Leo. Hahahaha! Kaya ako nandito kasi ire-remind lang kita ng bayad mo sa upa sa apartment. Since mawawala ako ng matagal baka pwede i-advance payment mo na. Isang linggo na lang din naman eh bayarin na sa katapusan.
Leo : No problem! I-abot ko sayo pagout ko sa work. Sakto lang kasi cash ko dito pamasahe. Mag withdraw ako pag kauwi ko. (Mukhang pera talaga to si Aling Virgie, napaisip siya)
BINABASA MO ANG
Coffee and Him
RomansaThis is based on a true story of four guys with different personalities. Each one of them has a secret that will greatly affect their lives. The question is ... for how long are they going to keep it? What will they choose? Is it career over love...