Sa Bahay ni Rey. 9AM.
Panibagong simula para kay Rey. Namiss niya ang kwarto niya. Aga nga niya nagising. Di na kasi siya sanay sa maayos na tulugan tapos may AC pa. Nag-unat siya saglit at bumangon. Kinambyo ang naninigas na talong.
Rey : Ahhhhhh..... gusto ko magpalabas... kaso nakakatamad magsals*l. (Napatingin siya sa bintana. Na-miss niya ang view kung saan makikita niya ang kanilang garden sa labas)
Naalala niya si Aelius, lalo na si Darius. Mga nakasama niya sa paupahan. Kamusta na kaya mga yun? Miss agad?
Tok...
Tok...
Tok...Marahang katok ng Tita ni Rey sa kwarto nito.
Tita ni Rey : Rey? Anak? Gising na. Sabi mo pang-umaga ka? (Dinikit ang tenga sa may pintuan ng kwarto ni Rey, sinigurado kung gising na nga ba ito)
Rey : Kanina pa ko gising Tita. Baba na rin ako. (Naghilamos muna ito sa CR ng kwarto niya at bumaba na rin)
........
Sa Dining Area. Bahay ni Rey.
Nanay ni Rey : I miss you, Anak. (Niyakap at inamoy-amoy si Rey na parang baby ng lumapit ito sa kanyang pwesto sa mesa)
Rey : Nay, naman. Hindi na ako bata. Ano ba yan? (Angal nito at umupo na sa bakanteng upuan sa hapag-kainan)
Tita ni Rey : Hayaan mo na Mama mo. Minsan lang yan maglambing. (Nilagyan niya ng fried rice si Rey sa plato nito)
Sumingit sa usapan ang Tatay ni Rey.
Tatay ni Rey : Rey, hindi porke legal ka na, eh pwede ka na magdala ng lalaki dito ah. (Babala nito, pero di naman siya galit)
Rey : Hmmmmm... (Nag-isip) Pero pwede na ko mag boyfriend? (Paalam nito sa Tatay niya)
Tatay ni Rey : Pwede naman, basta ipakilala mo ng maayos samin ha. (Nakangiting sumagot ito)
Rey : Yes! (Nagtawanan ang lahat at nag-umpisang ng kumain)
........
Sa Zodiac Coffeeshop. Galaxy Mall Branch.
Malapit na si Rey sa Galaxy Mall. Habang nagda-drive gamit ang kanyang sasakyan. Nakita niya si Darius na nakatayo sa may waiting shed, sa kainitan ng araw. Huminto siya rito.
Rey : Darius? (Binaba ang car window, pero hindi siya narinig) Darius!
Darius : (Naglalaro kasi siya ng games sa cellphone niya) Oh... Ikaw pala Rey. Musta? (Nabaling ulit ang atensyon sa nilalaro)
Napansin ni Rey na medyo lumiwanag na ang mukha ni Darius simula ng kausapin niya ito sa ginawa niyang pagnanakaw kay Leo. Nanumbalik kasi ang kagwapuhan ni Darius simula ng makilala niya ito.
Napatitig siya ng matagal. Pinagmamasdan si Darius na naglalaro. Napangiti siya. Para kasing bata si Darius na nag-eenjoy sa kakalaro. Aminin niya.... namiss niya ito. Kahit saglit lang silang naghiwalay. Iba pa rin kapag kasama mo yung taong tanggap ka kung ano ka talaga.
BINABASA MO ANG
Coffee and Him
RomanceThis is based on a true story of four guys with different personalities. Each one of them has a secret that will greatly affect their lives. The question is ... for how long are they going to keep it? What will they choose? Is it career over love...