A/N: This chapter is dedicated to the person who inspired me to continue with my story. I appreciate your support in this story. Thank you!
Wound 14
Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagngisi ni Lola. She let go of me then stared at me from head to toe.
"What did you say? Apo kita?" nanunuya ang tinig nito habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin.
Tila naumid ang aking dila sa paraan ng paninitig niya sa akin. It's as if I'm a lowly person in front of him.
"Lola, it's not what you think," napukaw ng boses na iyon ang aming pansin.
Paglingon ko ay nakita ko si Nina, pupungay-pungay ang mga mata. Kalaunan ay tila nahimasmasan ito dahil sa nangyayari.
"You don't have to defend your cousin, Nina. Alam ko na ang likaw ng bituka nito."
Pakiramdam ko'y nanliit ako sa pang-uuyam na nananalaytay sa kaniyang tinig.
"Pero Lo—" Nina tried to explain further, but Lola cut her off.
Dagling ipinukol ng nakatatandang Melendres ang kaniyang titig sa akin at itinuro ako.
"You.." she spat in animosity.
"How dare you hurt my precious granddaughter!" napatda ako sa kaniyang sinabi.
Nabigla na lamang ako nang lumapit ang aming mga kamag-anak at pinalibutan kami.
"What's happening here?" narinig ko ang boses ni Daddy kaya naman mabilis siyang hinanap ng aking mga mata.
No one dared to spoke. Nang mamukhaan ako ni Daddy ay mabilis itong lumapit sa aking tabi.
"What happened, anak?" alalang tanong nito kaya naman umiling lamang ako kahit na nagbabanta ang pagtulo ng aking mga luha.
"Iyang anak mo, Ignacio, nagsisimula ng gulo. Sinaktan niya si Nina," my grandmother's vile words echoed, which made my relatives gasp in shock.
I can feel the judging stares of my uncles and aunties boring within my back.
"Hindi 'yan totoo!" I defended myself ngunit mas lalong tumalim ang paninitig ni Lola sa akin.
"Aba't sumasabat ka pa. Wala ka talagang respeto! Pareho kayo ni Ignacio!"
Mas lalong nagningas ang apoy sa aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. I was about to shout back, but I've felt my father held my clenched hand.
"Calm down, anak. Huwag papadala sa galit," marahang bulong niya kaya naman napigil ko ang aking sarili.
Naputol ang tinginan namin ni Lola nang muling magsalita si Nina.
"Hindi niya po ako sinaktan, Lola.." mahinahong pahayag nito kaya't napaarko ang kilay ng matanda.
"Are you sure? Kung tinakot ka niya, you can tell me."
"Lola, Belle is not like that. She's a good person," Nina smiled at me. Ang paninibugho sa aking dibdib ay unti-unting kumalma dahil sa kaniyang magaang ngiti.
That's what I admire about her. Kahit na nasasaktan siya dahil sa akin ay nananaig pa rin ang pagmamahal niya sa akin bilang isang kapamilya.
"Is that so? Let me see," muling pahayag ni lola gamit ang kaniyang nang-uuyam na tinig. She surveyed me then she smirked.
Napapikit na lamang ako sa pagpipigil at malalim na bumuntong-hininga.
"Nevermind," mahinang usal ng matandang Melendres ngunit hindi ito nakalagpas sa aking pandinig.
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...