Her Wound
I sighed. Mabigat ang loob na tumingala ako sa madilim na kalangitan. Ang nagbabadyang pagbuhos ng ulan kasabay ng malamig na ihip ng hangin ay tila nakikisama sa aking nararamdaman.
Muli kong pinagmasdan ang aking pitaka. I sighed. Dumiretso na lamang ako sa noodles section ng grocery store at ipinagkasya ang dalawang daang pisong budget.
Pagod akong humilata sa aming hapag-kainan nang makarating sa bahay.
"Oh, andiyan ka na pala, anak. Kamusta ang eskwela?"
I sighed again. Inilapag ko ang aking bag at bahagyang pumikit.
"Maayos naman po, 'Ma," tipid kong wika at pilit na ngumiti.
"Oh siya. Makakaya rin natin ito, 'nak." The sincerity in her eyes, as well as the warmth in her smiles, comforted my heavy heart.
"Oo naman po, 'Ma. Ako pa ba? Kayang-kaya ko 'to!" pinasigla ko ang aking boses.
"Asan na po si Tonton?" pag-iiba ko sa usapan.
"Ah, tulog na siya, anak." Malawak na ngumiti si Mama na tila may inaalala. "Nakakatuwa talaga ang batang 'yun. Napakakulit!"
Marahan akong napatawa sa kaniyang sinabi. "Tingnan mo na lang ang itinabi kong kanin at ulam diyan. Papanhik na rin ako upang matulog," pagpapaalam ni Mama.
Marahan akong tumango at papikit-pikit na tumayo. Matapos kumain ay humihikab na pinagmasdan ko ang aking bag.
"Kailangan ko pang mag-review," I told myself and sighed.
Bandang alas onse na ng gabi nang mapagdesisyunan kong matulog na rin. Lumapit ako sa di-kalakihang kama sa aking kuwarto. There, I stayed rooted in my place while staring at him—the person deeply asleep on my bed.
Mariin akong napatitig sa kaniya, mula sa kaniyang mahahabang mga pilikmata, matangos na ilong pababa sa kaniyang manipis na labi. May pagkakulot ang kaniyang may kahabaang buhok katulad ng kaniyang ama.
I sighed again. He's just like him.
Maaga akong nagising kinabukasan. Napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga gamit sa aking bag nang lumabas si Mama mula sa kaniyang kuwarto.
"Oh. Ba't ang aga mo ata ngayon?"
"Magrereview pa po ako, 'Ma," tipid kong wika at nagmamadaling sinuklay ang aking buhok.
Nang makarinig ng katok sa pintuan, dali-dali akong lumapit rito.
"Hi! Good morning," greeted by the person behind the door.
"Hello, pasok ka," aya ko sa kaniya at linakihan ang pagkakabukas ng pintuan.
"Good morning po, Tita," wika niya nang makita si Mama.
"Ay ikaw pala, Frey. Halika, pasok ka."
"Sandali lang. Magpapaalam lang ako kay Tonton," saad ko kay Frey bago tumalikod at tinungo ang kuwarto.
Abala sa paghikab si Tonton nang maabutan ko ito sa kama.
"Tonton, gising ka na ba?" marahan kong pahayag.
Tumango siya sa akin pabalik. "Aalis ka na, Mama?" humihikab pa ring wika niya habang nakatitig sa aking postura.
I nodded gently. "Halika," akay ko sa kaniya at sabay kaming lumabas sa kuwarto.
"Aalis na si Mama, Tonton. Magpakabait ka kay Lola ha?" ngiti ko sa kaniya.
"Opo, 'Ma. Basta po ba may pasalubong ako," he pouted.
![](https://img.wattpad.com/cover/236102735-288-k430638.jpg)
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...