Wound 24
Lumipas ang mga araw na hindi ako pinansin ng tatlo. Araw-araw ay lagi akong lumalapit sa kanila, nagbabasakaling magkaayos na kami.
Ngunit matigas ang tatlong bruha, lalo na si Mara. Matiim ang kaniyang mga titig sa akin habang sina Sky at Reese ay dedma lang.
I was on my sixth attempt to talk to them, but they remained stone-cold just like the last time.
"Come on, mga bruha. Hanggang kailan niyo ba ako babalewalain?"
Tumigil ang tatlo sa paglakad at hinarap ako.
"Hanggang sa magising ka sa kahibangan mong 'yan, Maribelle."
Malamig ang pagtawag ni Mara sa aking pangalan, ibang-iba sa kung paano niya ko tawagin ng lambing noon.
They turned their back and took long strides to get away from me. Muli akong tumalima at mabilis silang sinundan sa malawak na quadrangle.
"But I don't want to let go, Mara. Mahal ko si Cleyton," habol ko sa kanila.
Muli silang tumigil at tumitig sa akin. Mara shook her head in disappointment. "Then so be it. You are choosing him over us."
Mabilis akong umiling. "That's not true! Wala akong pinipili rito."
"Pero parang ganoon ang dating 'nun sa amin, Belle." This time, it was Sky who spoke.
"You are not listening to us when from the beginning, all we wanted is your best interest," dagdag pa ni Reese.
Kumunot ang aking noo nang hindi mahapuhap ang mga salita. I don't know what to do with them. All I want from them is to understand me, ngunit kahit isang katiting ay wala silang maibigay sa akin.
"Let's go, mga bruha. It seems like Maribelle is still blinded by her feelings."
Naputol ang aking pag-iisip nang marinig si Mara.
Nauna nang tumalikod si Reese at Sky, nang muling magsalita si Mara.
"For once, Belle, be rational," tanging nasabi niya at sinundan ang dalawa.
Nanatili akong nakatayo roon habang pinagmamasdan silang humuhulagpos sa aking kapit. Just like the last time, fear consumed me. Pakiramdam ko'y mawawala ko rin sila at iiwan nila ako, tulad ni Nina.
As I took a deep breath, I felt a warm hand holding my palm. Sa marahan niyang pagpisil rito ay napaharap ako sa taong tumabi sa akin.
He had this genuine smile when I laid my eyes on him. "Huwag paghihinaan ng loob. Kaya natin 'to, baby.."
I smiled back and held his hand firmer. Nagulat na lamang kami nang may dumaan sa aming gitna at pilit kaming pinaghiwalay.
Ngumisi ang gagong si De Gala tsaka umakbay kay Cley.
"Saan tayo kakain? Gutom na ako 'oh," reklamo niya.
Napairap na lamang ako sa kaniya at humalukipkip sa gilid.
Michael gasped dramatically. "Galit ka na niyan?"
I threw my daggered looks at him, tuluyang nakalimutan ang mabigat na damdamin.
"Baka nakakalimutan niyo, bawal ho ang PDA rito sa school. I'm just helping you two na hindi matawag sa principal's office," he proved a point.
Napanguso na lamang ako at umiwas ng tingin. Natamaan kasi eh..
"Gago! 'Wag mo ngang pinagti-tripan ang reyna ko.." rinig kong sita ni Cley sa kaibigan niya.
"Reyna ko?" napaubo si Michael. "Ang corny mo, gago!" he darted back.
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...