Wound 23

85 2 0
                                    

Wound 23

Nakarinig ako ng pagsingahap sa aking likuran kaya naman napalingon ako roon. Ganoon na lamang ang aking pagkakagimbal nang mamukhaan ang tatlong kapapasok lamang sa classroom.

"Boyfriend mo na si Cleyton?" seryosong tanong ni Mara.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Binalot ako ng kaba nang tumabi sa akin si Mela. Nagpalipat-lipat sa amin ang kaniyang titig bago ngumisi ng nakakaloko.

"They've been together for a week. Hindi niyo ba alam?"

Muling napasinghap sina Sky at Reese.

"And you did not have the audacity to tell us?" baling ni Reese sa akin.

I bowed my head and sighed. "Sasabihin ko naman talaga sa inyo. I'm just mustering my courage.."

"I doubt so, Belle."

Napaangat ako ng ulo at napako ang tingin kay Mara na siyang nagsalita.

"What do you mean?" I weakly spoke.

"You are an independent woman, Belle. You always wanted to take everything to yourself. Kapag nabunyag na ang problema, doon ka lamang lalapit sa amin at magpapaliwanag."

She had these unmoving stares. Sa kaseryosohan ng kaniyang tinig ay hindi ko mapigilang mapalunok.

"You don't take your words seriously, saying that you would open up soon. Yes, you treat us as your friends, but not someone precious whom you can always rely on."

I shook my head fervently as my voice mellowed.

"That's not true. You don't know how much I love you, guys. I'm just afraid of your reactions. I know that you don't want Cleyton for me, paano pa kaya ngayong boyfriend ko na siya?"

Ipinukol ni Mara ang kaniyang nananantiyang mga mata.

"Hindi ka namin pinagbabawalang magka-boyfriend, Belle. But of all people, why Cleyton? You know how he played Nina's feelings! Sa lahat ng tao, ikaw dapat ang nakakaalam na ang anumang namamagitan sa inyo ay mali."

Our heavy stares were cut off when Mela interrupted us.

"Wait! Sinong Nina?"

Nakakunot-noo itong bumaling sa akin ngunit wala sa kaniya ang aking atensiyon. Nasa tatlong tao sa aking harapan, na di ko mawari kung galit ba o dismayado sa akin.

"You're out of this conversation, Melanina," Mara's authoritative and cold tone shut her off.

Napatikom ang bibig ng bruha at bahagyang umatras sa takot.

"But I love him, mga gaga.." pag-amin ko. "I know it's an ill-fated relationship, but he makes me happy so much.."

Umiling si Mara at mapaklang napangisi.

"Sana'y nirespeto mo na lamang ang pinsan mo, kaysa pinatulan mo pa ang lalaking iyon. Nasaktan siya kaya siya nagpakalayo-layo, and now that she's out of the picture, you'd jump on Cleyton?!"

I was rooted in my place when she emphasized her point.

"That's so selfish, Maribelle!"

Napakagat-labi na lamang ako nang matanto ang katotohanang iyon. Makasarili ba talaga ako, dahil inangkin ko si Cleyton? But why does it feel so right when I'm with him?

Sanay na ako sa atensiyon dahil sa aking pagsali sa mga campus pageantries, ngunit isang ngiti lamang mula kay Cley ay kumpleto na ang araw ko. His attention is all I ever wanted because it was the one thing that comforted me when I was feeling lost and unwanted.

A Thousand WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon