Wound 35

119 2 0
                                    

Wound 35

"What's wrong?"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napako ang aking atensiyon sa katabi. Nang mapansin ang malapit na distansiya ay dahan-dahan akong gumilid papalayo sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang noo nito sa espasyong nakapagitan sa amin. "Anong problema, Belle?" muli niyang pagtatanong na inilingan ko lamang.

"Wala naman," bahaw akong ngumiti.

Tumigil ito sa paglalakad kaya't maging ako'y napatigil rin. Inilahad niya ang kaniyang palad sa aking harapan kaya naman napakunot-noo ako.

Lito ko siyang tinitigan. He sighed and offered his hand further. "Give me your bag. Ako na ang maghahawak."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napahigpit ang hawak sa strap ng aking back pack.

Kabado kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Sumikdo ang aking dibdib nang mapansin ang ilang mga kababaihang nakatitig sa aming banda. I took a step farther away from Cleyton, then shook my head in response to him.

"Kaya ko na 'to. Magaan lang naman," I spoke softly, not wanting the group of audience to hear us.

Hindi umimik ang aking kaharap, ngunit pansin ko ang pag-igting ng kaniyang magkabilang panga at pagtalim ng mga titig na nakadirekta sa akin.

"Let's go," tipid kong tinapos ang usapan at nauna na sa kaniya.

I caught up with Tonton and walked beside my son.

Pagdating sa bahay ay ako na ang unang umiwas, dahil alam kong magtatanong lamang iyon. Matapos makapagpalit, I busied myself in the kitchen, preparing for our dinner.

It was a peaceful preparation. I silently thanked the heavens that he did not pry with my indifference and attacked me with questions.

Hangang sa dumating ang Sabado ay ilang pa rin ako sa kaniya. As we prepare for our family's lunch gathering, hindi ko mapigilan ang sariling kabahan sa anumang reaksiyong maaari kong matanggap mamaya.

I shakily stood in front of Tonton's room and knocked. Nang mapagbuksan ito'y nahigit ko ang aking hininga. It was Cleyton who opened the door, looking sinfully handsome in his beige cotton-pique polo shirt and dark navy denim jeans.

Nagkatinginan kaming dalawa bago bumaba ang kaniyang tingin. I followed his gaze skimming the white lace sheath dress hugging my body's proportion. Nanginig ang aking tuhod sa tiim ng kaniyang pagkakatitig.

When he returned his eyes to my face, I took the courage the break the tension building up.

"T-Tapos na kayo? Let's go?" nangatal ang aking labi, nauutal at nanunuyo ang lalamunan.

"Nakaayos na kami. Sandali, tatawagin ko lang si Tonton," ang malalim na baritonong boses nito'y mas lalong nagpatingkad sa kaniyang porma. His masculine voice accentuated his mouth-watering physique.

Recton Zean came into sight with his beige polo shirt and denim jeans, similar to his father. Both of their wavy hairs are brushed up, giving them a cleaner look. Nang muli kong titigan ang dalawa ay napanguso ako sa napansin.

Mukhang nag-twinning pa ang mag-ama.

Labing-limang minutong paglalakad lamang ang layo ng bahay nina Lola mula sa amin. On our way, I cannot help but feel uneasy, lalo na't kaming dalawa lamang ni Cleyton ang naiiwan sa daan. Nauna na sa amin si Mama para tumulong sa pag-asikaso roon, while Tonton, eager to see his Lolo and Lola, is steps ahead of us.

Mula sa pagtingin-tingin sa paligid ay nahagip ng aking mga mata ang katabi nang mapansin itong inaayos ang suot na wristwatch. He glanced at the time, and his brows furrowed.

A Thousand WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon