Wound 1
Habol-habol ko ang aking hininga nang matapos ko ang routine. Inayos ko ang pagkakabuhol ng aking buhok at lumapit sa bench na kinalalagyan ng aking bag.
"We'll continue after ten minutes," Sky spoke behind me na sumunod sa bench at uminom rin ng kaniyang baong tubig.
"Nakakapagod," hingal ko at naupo.
"Polishing na lang ang kailangan, gaga, and you're ready to win," he winked at me.
"Sure ka? I think 'di ko na kaya," I spoke while calming myself down.
Humalukipkip si Sky sa aking harapan at nakataas ang kilay na tinitigan niya ako. "Aba eh bakla, kailangan 'to para manalo ka," litanya niya.
I remained inaudible while staring at Sky's grumpy appearance. Napakurap-kurap ako at sinupil ang ngiting umaalpas sa aking labi.
Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa itsura ni Sky. He is six-footer tall, patpatin ngunit parang barakong-barako sa labas. However, behind his manly facade is a woman with a soft heart.
"Anong nginingiti mo riyan?" nagmamaldita nitong tono.
I chuckled lightly and nudged my shoulders. "Secret," I whispered, which made his brows arch higher.
"Anong problema rito, mga bakla?" Inagaw ng boses na iyon ang aking pansin. Lumingon ako rito at sinalubong ako ng malapad na ngiti ng aking kaibigan.
"Oh Reese, asan na si Mara? Ba't ikaw lang?" I smiled.
"Ah, susunod din 'yon? So kamusta ang practice?" Lumapit siya sa aming puwesto at naupo sa aking tabi.
I glanced at Sky. "Oh Ser, ano na raw po ang progress?" nguso ko sa kaniya.
"Konting practice pa, gaga," nguso niya pabalik.
"Oh siya. Edi kayo na ang pouty lips. Nguso ng nguso," inis na reklamo ni Reese kaya naman sabay kaming humalakhak ni Sky.
"Naman," he agreed, then winked at me.
"Kayang-kaya 'yan! For the win, Maribelle Pacheco, the new Mutya ng Wika of Linavio National High School!" hiyaw ni Reese kaya naman taranta ko siyang siniko sa tagiliran.
"Hey! Huwag mo nang ipangalandakan, bruha ka! Don't state what is obvious!" I joked, and the three of us burst into laughter.
"Oh ba't ang saya ninyo?" nagtatakang tanong ni Mara who appeared in front of us. May hawak-hawak itong makapal na libro habang inaayos niya ang kaniyang eyeglass.
"Bakit? Wala ba kaming karapatang sumaya kahit minsan?" Sky uttered in his dramatic shaky voice.
"Ikaw lang ba ang dapat sumaya? How about us, Mara?" I snorted when he continued with his drama.
Di makapaniwalang liningon niya ako. "Hey! You should support me, you know," simangot niya.
I stifled my laughter. "Let's continue the practice na nga. Kailangan ko pang isaulo ang mga steps."
Humalukipkip si Sky at nagmamalditang tumitig sa akin. Tumikwas ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-arko ng kaniyang kaliwang kilay. With that, tuluyan na akong napahalakhak.
When the dreadful day of glamour and glitz arrived, the nervousness I am feeling heightened. Tahimik kong pinagmasdan ang aking sariling repleksiyon sa salamin.
I took a deep breath and released it shakily.
"Hey," saglit na naputol ang aking pakikipagtitigan sa sarili. "Are you okay?" Sky spoke behind me.
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...