Wound 29

86 2 0
                                    

Wound 29

"My queen," tila manghang wika niya. "You came.."

I gave him my genuine smile and lightly pinched him on the cheeks.

"Maiiyak ka na raw kasi, birthday boy," rinig kong kantiyaw ni Michael sa aming likuran.

"Sorry, baby. Auntie asked me to ignore you kasi. It's part of our plan to surprise you on your birthday today."

"So it's all part of a plan pala ha?"

Tumango ako. "Bati na tayo, baby.." I batted my lashed and pouted my lips.

Natatawang napailing ang aking nobyo. "Akala ko ayaw mo na sa akin kaya hindi mo ako pinapansin. I thought you don't want me in your life anymore."

"Tinakot mo ako ng sobra, baby."

"I would never do that, Cley. Hinding-hindi kita iiwan."

Cley held my hand and pulled me to him. Mabilis na bumaba sa aking bewang ang kaniyang kamay bago niya hinarap ang nakangising sina Andrei at Michael.

"Kasama rin kayo sa plano 'no?" direkta niya sa dalawa na sinagot naman nila ng magkasabay na pagkibit-balikat.

"I asked them, Cleyton. Huwag ka na magalit sa kanila, lalo na kay Belle."

Napatingin kami kay Auntie na sumulpot sa aming gilid. Kasama nito si Uncle habang akay-akay si Clyde. Joash, on the other side, went beside Michael and Andrei.

"Hindi ko naman kayang magalit sa reyna ko, 'Ma. Magtatampo pa siguro.."

Ngumisi ang mag-asawang Torres kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"It's to make your birthday much more meaningful, anak. Sana napasaya ka namin, lalo na ng reyna mo." It was Cley's dad who spoke.

Mabilis akong napakagat-labi sa pag-init ng aking magkabilang pisngi. Nakakanginig ang pagtawag nila sa akin bilang reyna ng binatang katabi ko.

"I'm more than happy, Mama at Papa. Maraming salamat po."

Sa sinabi ni Cleyton ay linukob ng mainit na sensasyon ang aking kalooban. This man is for keeps. He's a man that values family and respects his parents.

Habang hindi pa masakit ang sikat ng araw ay nag-aya na sina Michael na maglublob sa pool. After changing to my swimwear, magkahawak-kamay kaming dumaluhong ni Cleyton sa pool na kinapupuwestuhan nina Andrei.

Humigpit ang aking kapit sa balikat ng aking nobyo nang hindi ko na maabot ang floor ng pool. Napansin iyon ng binata kaya naman binalingan niya ako gamit ang kaniyang nag-aalalang mga mata.

"It's too deep for me," hingal at kinakabahang wika ko.

"Hold my shoulders then. Akong bahala sa'yo, baby.." marahan niyang wika bago nakatalikod na pumuwesto sa aking harapan.

With a shaky breath, I wrapped my hands all over Cley's broad shoulders at sumampa sa kaniyang likuran. Napalunok ako sa pagdidikit ng aming basang balat.

Bagaman nakasuot siya ng sando ay ramdam ko ang katigasan ng kaniyang mga braso. Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga at ipinatong ang aking baba sa balikat ni Cley malapit sa kaniyang kaliwang tenga habang binabagtas namin ang kinalalagyan nina Andrei at Michael.

"Bawal PDA rito, pre," nakangiwing usal ni Michael nang makalapit kami.

I heard nothing from my boyfriend, but it was Andrei who responded.

"Inggit ka lang, De Gala. Hanap ka rin kasi ng kayakapan," he teased the former, and a playful smirk landed on my lips.

"Andrei's right, Michael. Huwag puro fling. Magseryoso ka na rin," dagdag naman ng aking nobyo na sa wakas ay nagsalita na rin.

A Thousand WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon