Wound 27
"This is Joash, and this little man is Clyde."
Bumakat ang mabining ngiti sa aking labi. Lumapit si Cleyton sa akin at umakbay. With the side of his lips curved, he continued.
"And she is my queen, your Ate Belle.."
I bit my lower lip to contain my emotions. "Hi," I greeted them.
Nakanguso si Joash habang pinagmamasdan kaming dalawa. "Ilang taon ka na, Joash?" hindi ko mapigilang tanungin.
"Fourteen po, reyna ni Kuya Cleyton," wika niya habang nakangisi.
Naiiling lamang akong ngumisi pabalik. Ibinaling ko ang tingin kay Clyde at lumapit sa kaniya.
"How about you, cutie pie?" I asked, and he cutely showed his five fingers.
Pinigil kong pisilin ang may katabaan niyang pisngi. When I offered my hand, tila nahihiya pa itong humawak sa aking palad.
"Can you stay with them, my queen? Ilalagay ko lang 'tong bags natin sa cottage," turo niya sa kabilang banda kaya naman tumango ako bilang tugon.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Clyde when we sat on one of the sun loungers. Nanatili namang nakatayo si Joash sa aming harapan.
Muli kong pinagmasdan ang magkapatid na Torres. Kahit na mas bata sa akin ng dalawang taon si Joash ay kasing-tangkad na niya ako. Clyde, on the other hand, had these cute rosy cheeks that I wanted to pinch. Tulad ni Cleyton ay may pagkakulot rin ang may kahabaan nilang buhok.
"Ate Belle, ikaw na po bahala kay Clyde ha. Gusto ko na po kasing magbabad," nahihiyang saad ni Joash habang kinakamot ang kaniyang ulo.
Muli akong napangisi nang mapagmasdan siya. So cute! Just like Cley..
"Sige na. Ako na magbabantay kay Clyde, 'yon ay kung gusto niya ako. Baka 'pag umalis ka, iiyak 'to."
"Hindi 'yan, Ate. Pamilya ka na eh. Future asawa ka kaya ni Kuya," nangingibabaw ang pang-aasar sa kaniyang tinig.
I cleared my throat and averted my gaze. "Wag ka nga," pagsita ko sa kaniya ngunit 'di nabura ang malawak na ngisi sa kaniyang labi.
"Sige, Ate na reyna ni Kuya.." muli niyang pagpapaalam. Naiiling na pinagmasdan ko siya bago bumaling kay Clyde.
"Kapatid mo ba talaga 'yon, cutie pie?. Mukhang mas kapatid pa 'yon ni Michael eh. Grabe mang-asar," pagsusumbong ko sa bata.
"H-He's my brother po," may pagkabaluktot na turan ni Clyde.
I smiled wider. "Oo naman, cutie pie.."
"You okay here?"
Nabaling kay Cleyton na kadarating lang ang aming pansin. Tumabi ito kay Clyde na pinaggigitnaan namin.
"Have you been a good boy?" he asked Clyde, and the kid nodded enthusiastically.
"Let's go to Mama and Papa, little man," akay ng aking nobyo sa kaniyang kapatid ngunit hindi kumibo si Clyde.
Kumapit ito sa aking braso kaya naman muli akong napangiti. "Cutie pie wants to be with me, Cley."
"Etsapwera ka na," ngisi ko.
Muli pang pinilit ni Cley na sumama ang kaniyang kapatid ngunit ayaw nitong bitawan ang aking kamay.
"Let's go together na lang. Magpapalit na rin ako."
I stood up and held Clyde's left arm. "Okay, Ate Belle.." Clyde's voice echoed.
"Tampo ako, Clyde. Ba't si Ate Belle lang pinapansin mo?" parang batang pahayag naman ni Cleyton na nananatiling nakaupo sa sunbed.
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...