Wound 34
"Buti naman at nagkausap na rin kayo."
Inalis ko ang mga mata sa dalawang taong nakaupo sa sala, abala sa panonood ng TV, at idinirekta ito sa taong nagsalita sa aking tabi.
"Unexpected, 'Ma. 'Di ko naman akalaing makikita ko siya sa barangay, at i-ga-guide pa sa Mount Ulap."
Ngumisi si Mama kaya't napanguso ako. Naglalaro ang panunukso sa kaniyang mga mata.
"Hindi 'yon destiny, 'Ma."
Mas lalong lumawak ang ngisi nito.
"Wala naman akong sinabi," pang-aasar niya.
Napairap ako sa kaniyang tinuran.
"Kuuhh.. Alam ko na ibig sabihin ng mga titig na 'yan, 'Ma."
Saglit niyang pinasadahan ang mag-ama bago bumaling sa akin.
"Wala na ba talaga?"
Kahit na may hinuha na ako sa pahiwatig ng kaniyang katanungan ay nagmaangmaangan ako. "Anong wala na, 'Ma?"
"Naku 'tong bata na 'to. Alam kong alam mo na 'yon. Ayaw mo na ba sa kaniya? O kahit bigyan lamang ng kumpletong pamilya si Tonton?"
I remained impassive. I sighed and stared at the two. Ang nakapaskil na mabining ngiti sa kanilang mga labi'y naghatid ng init sa aking kalooban. However, I can feel at the back of my mind the remorse gnawing my soul.
"Kahit na gustuhin ko'y 'di ko naman desisyon 'yon, 'Ma. Napakalaki ng atraso ko kay Cleyton at tanggap ko kung ayaw niya."
Maybe he doesn't want anything that has to do with me anymore.
"Anong ayaw niya? Ayaw niya sa'yo?"
Inis kong liningon ang aking ina. "Mama naman! Si Tonton ang usapan dito."
"Eh kitang-kita naman na mahal na mahal niya ang anak ninyo. Ang isyu rito, ang nanay ba, mahal pa rin?"
Napaiwas ako ng tingin. Ang bahagyang pagkirot sa bahagi ng aking dibdib ay nagpapaalala ng isang bagay sa akin. Na sa kabila ng paglipas ng mahabang panahon, naroon pa rin ang mga damdaming nakabaon sa baul ng nakaraan, naghihintay na muling mabuksan at kumawala ng tuluyan.
"Marami nang nangyari sa amin, 'Ma."
Mama scoffed. "Oo nga, kaya nga't nabuo si Tonton 'di ba?"
I can feel my cheeks flushing at her retort. "Seryoso kasi, 'Ma!" inis kong baling sa kaniya.
She chuckled, so my brows furrowed further. She took time making fun of my uneasiness. Then, after a while, she turned serious, facing me. "Oh siya. Diretsahan na. Mahal mo pa ba?"
Sumikdo ang aking dibdib. "Ilang taon na ang lumipas, 'Ma. At sabi ko nga, marami na kaming pinagdaanan."
Napailing ang aking kaharap. "Di mo naman sinasagot ang tanong eh. Halata naman, pero ba't di mo maamin?"
Anong halata?
Natahimik ako at saglit na piakiramdaman ang sarili. Am I really that transparent?
Paano kapag nahalata ni Cleyton?
I was caught off my reverie when Mama continued with her laments.
"Kasi anak, kung hanggang ngayon, siya pa rin ang laman nito.."
Dahan-dahan nitong itinuro ang aking dibdib, just above my heart. Sa kaniyang ginawa ay naghinang ang aming mga mata.
"..ba't di mo ipaglaban ang damdamin 'mo. Malay mo, ito na ang pagkakataon mo. Malay mo, ito na ang God's time na pinakahihintay mo."
BINABASA MO ANG
A Thousand Wounds
RomanceBeauty, wit, and elegance -- this is Maribelle Pacheco, the queen of Linavio National High School. She can capture the heart of everyone but can also crush it into pieces without blinking. A known heartbreaker because of her high standards, she made...