Wound 11

74 3 0
                                    

Wound 11

Tulala ako habang binabagtas ang daanan patungo sa aming school gate. Napagdesisyunan namin ng aking mga kaibigan na maagang pumunta sa eskwelahan para tapusin ang aming assignment sa aming Art subject. As early as six-thirty in the morning, we are already approaching the school.

"Good morning, mga bruha," humihikab na bati ni Reese at naunang pumasok sa gate.

Me and Sky followed. Nang makarating sa classroom ay nagpasalamat kami nang makitang bukas ito. Maaga yatang binuksan ng school guard kanina.

"Where's Mara?" I asked Sky when I did not see her.

"Mamaya pa darating 'yun. Alam mo naman ang babaeng 'yun, last month pa ata natapos ang project na 'to."

"Really?" hindi ko mapigilang matawa at mamangha.

"Of course! What can you expect from the top one of grade nine?"

I nodded in response while looking for my paint materials.

"Ano 'yan?" usyuso ni Sky na lumapit sa akin at pinagmasdan ang aking canvass.

"A hand," I proudly said, which made him snort.

"A hand? Really? Kamay 'yan, bruha?" 'di pa rin makapaniwalang turan nito.

"Oo nga!" pilit ko at itinuro ang mga daliri.

"These are the fingers."

Muli na naman itong napangiwi. Lumapit si Reese at napansin ang hitsura ni Sky.

"What's wrong?"

"Heto, kamay daw," tipid na wika ni Sky at itinuro ang aking painting.

Si Reese naman ang napangiwi at liningon ako. "Kamay talaga bruha? Baka flower, puwede pa," lait niya sa aking artwork.

Napanguso ako at umirap sa kanilang dalawa.

"It's true, bruha. 'Di yan nagmumukhang kamay," natatawang saad nito.

Inis kong inagaw ang aking painting at tinalikuran sila. "Aba sorry naman. I'm not an artist, you know!"

"Kahiya naman sa inyong pinagdidiskitahan ang gawa ko!" I sneered at them.

The two burst into laughter. When I darted my sharp gaze towards them, they stopped and stifled their chuckles.

Muli kong pinagmasdan ang aking ipininta sa canvass. I sighed when I realized how I did it poorly. I can't really do this. Drawing and painting is my frustration, for Pete's sake!

Lumapit ako kina Sky at Reese at pinagmasdan ang kanilang gawa. I pouted and sighed in defeat. Sana all, artistic!

It was already seven in the morning when the two finished their artworks, habang ako nama'y nakatunganga pa rin sa aking project. Marahas akong napabuntong-hininga at napakamot sa ulo.

"Alas siyete na, bruha. Punta na kaming classroom ha?" paalam sa akin ni Sky. Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanila.

Malungkot kong muling binalingan ang aking gawa.

"Paano ka ba kasi?" I pouted in frustration.

Nakanguso akong humarap sa aking mga kamag-aral nang makarinig ng impit na tili.

Nahanap ng aking mga mata ang kanilang pinagtitinginan. Hindi ko na sana papansinin ngunit nanlalaki ang aking mga mata nang pumasok ang tatlong 'ser' sa aming classroom.

Michael confidently took a step towards me.

"Morning, Belle," maikling bati nito na nakangisi.

"W-What are you doing here?" nautal ako sa pagkakabigla.

A Thousand WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon