Wound 26

83 2 0
                                    

Wound 26

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa amin?"

Mara's unmoving stares bore within me. Pilitin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko kaya.

I know I was way out of line, but all the frustrations caught me.

"I did not say that. I just thought that what you are doing right now, ignoring me and all, is ridiculous."

Dumiin ang pagkakalapat ni Mara sa kaniyang labi habang matamang nakatitig sa akin.

"I know you had been vocal of your admiration with the three Sirs of Linavio. Kaya naman ayaw ninyo sa relasyon ko kay Cleyton dahil siguro'y may gusto kayo sa kaniya," tuloy ko pa.

"You're unbelievable!" mariing wika ni Mara. "Ang baba naman ng tingin mo sa amin para humantong sa ganyan, Belle."

Hindi ko mawari ang naglalarong emosyon sa kaniyang mukha. When Sky and Reese stepped in and took the space beside her, I was caught off words.

"Yes, we may like them, Belle, but that does not mean you could think ill of us. Huwag mong gawing rason iyon sa kung anumang lamat na sumira sa ating pagkakaibigan," si Reese ang unang nagsalita. "Huwag mong ibaling sa amin ang kasalanan!"

"How can I not blame you?! Ang nonsense naman kasi ng rason ninyo para alisin ako sa grupo! Hindi naman kayo si Nina, pero kung maka-react kayo, talong-talo niyo pa siya."

"It's been five months, and yet, you are still ignoring me! Asan ang sense 'nun?" I continued with my frustration.

This time, it was Sky who spoke.

"Gusto lang namin ang makabubuti sa'yo, and clearly, Cleyton is not the one. Tingnan mo ngayon, tinatalikuran mo na kami, binabalewala ang ilang taong pinagsamahan natin."

"Takteng rason 'yan!" hindi ko na na-filter ang mga salitang lumalabas sa aking bibig.

"Hindi ako ang unang tumalikod. When you found out, you cut me off and judged me."

I shook my head and stared at them pleadingly. To stop all the nonsense..

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo. Ang bababaw ninyo."

I sighed in defeat and turned my back. Sa aking paghakbang patungo sa pintuan ay muling nagsalita si Mara.

"If you leave, this will be the end of our friendship."

"Paglabas mo sa pintuang 'yan, wala ka nang mababalikan, Maribelle Zoraida Pacheco. Our friendship will be over."

Ilang minutong katahimikan ang dumaan bago ako nakarating sa isang desisyong alam kong pagsisisihan ko balang araw. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa aking kalayaan. Palayo sa aking mga kaibigan.

Before I could take my final step, I stopped with my back facing them.

"Alam niyo, nakakasakal ang pagkakaibigang ito. You wanted the best for me yet, I'm sorry, but I have to tell you, ang toxic ninyo."

I decided to choose my happiness. To chase for the peace of mind that I have been deprived of for the past months.

Sa bawat hakbang papalayo sa kanila ay tila naninigas ang aking mga paa. I wanted to turn my back and run to them as the memories we shared flashed across my mind.

Akap-akap ko ang naninikip kong dibdib kasabay ng unti-unting pagtulo ng aking mga luha. Mga luhang nagdadalamhati sa pagguho ng aming pagkakaibigang akala ko'y pinanday na ng panahon. It only took one misunderstanding, and poof! This is the end of it.

A Thousand WoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon