Khriana Akira
Eh? Ang galing naman niya, nakita n'ya!
To: Sean
Pa'no mo nakita? Naulan diba?
Sinubukan ko tumingin sa bintana at naulan pa din naman. Pano n'ya nalaman? Ibinaba ko ang phone ko at nagsimulang mag-review para if ever na maglaroon ng biglaang mga quizzes. Napatingin ulit ako sa phone ko nang magvivrate 'yon.
From: Sean
HAHAHA nevermind. Sorry ulit, hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo. Promise :)
Tanga ba 'to? Ang labo ng mga tanong niya, the moon is beautiful daw, eh umuulan naman. Nasa ibang planeta ba siya?
Hindi ko na siya sinagot pa at pinagpatuloy ang aking pagre-review.
The next day ay halos murahin ko na yung taxi driver na sinakyan ko dahil ang bagal niya magpatakbo, tanghali na nga ako nagising ngayon tapos ganito pa ang bubungad sa akin. Hindi maganda ang simula ng araw ko ngayon, nakakabwiset!
"Kuya, wala na bang ibibilis 'to? Baka mabilis pa ako tumakbo dito, eh" plastik na tanong ko sa driver habang naka-ngiti. Hindi siya tumingin sa akin at ipinagpatuloy ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Akala ko hapon pa ako makakarating sa school yun naman pala ay break time lang, salamat sa driver ah. Hinarang pa ako sa gate dahil nga late ako pero naggawa nalang ako ng dahilan para makapasok.
"Nasiraan po ang taxi na sinasakyan ko habang nasa gitna ng traffic" pagsisinungaling ko. Alam ko na hindi naniwala sa akin ang guard pero tumango lang siya sa akin at binuksan ang gate. Hindi nga ako nagkamali at isang subject na ang hindi ko naabutan, mabuti nalang at hindi major ang first subject. Bwiset na driver 'yon!
Naglakad na ako papunta sa room namin at nakita ko si Aliyah na nasa bungad ng pintuan ng aming room, mag-isa lang siya na akala mo ay pinagkaitan ng mga kaibigan dahil sa wala siyang kasama.
"Ginagawa mo d'yan?"
Napatingin kaagad siya sa akin at gulat na niyakap ako, ilang araw ba kami hindi nagkita? Kahapon lang naman kami magkasama.
"Gaga ka, saan ka dinala nung Gedrich Ferrer kahapon? Sinuko mo na ba ang bataan? My god dapat hindi mo ibinigay ang sarili mo!" nagsisigaw siya habang naka-yakap sa akin, inis ko na tinaggal ang kamay niya na nakayakap sa akin at itinulak palayo. "Ouch!"
"Gaga ka den, hindi ko type yung mga ganoon na lalaki" inis na sabi ko. Pumasok na ako sa loob ng room, may ilang nandito ngayon pero halos ang iba ay wala dahil nga breaktime. Halos lahat sila ay inaasar ako dahil sa sobrang late ko na.
"Khriana, nahiya ka pa sana mamayang lunch kana pumasok para sulit" sabay tawa sa akin nung isang kaklase ko na isa sa mga matatalino. "May pa grand-entrace si ate!"
YOU ARE READING
Gentle Touch of Tame
Romance1 Khriana Akira Tejano. A normal student who dreams of defending the oppressed against the fraudulent government, he just wants the government to be fair whether low or high standard of living. When Sean Gedrich Ferrer, the son of a politician, sudd...